so kamusta ka naman?

natanong na rin sakin to ng ilang ulit. madalas ang sagot ko e ang usual na "walang bago"
pero ano nga ba ang dapat kong isagot? "ok lang", "sakto lang" ...pero yun ba talaga ang gusto kong ipahatid?

kung di naman talaga ako ok, kailangan ko bang sabihing ok ako? kahit na halata namang hindi. o kung sasabihin ko namang sakto lang e parang ang dating naman nun e niloloko ko ang sarili ko. sa tingin ko naman e niloloko ko lang naman talaga ang sarili ko. sawang sawa na rin ako sa mga nangyayari sa pang araw araw..

di naman ganun kadali e. marami tayong pinagdadaanan. di lang naman ako ang tao sa buong mundo na kailangang pansinin ng lahat ng tao. pero sa kasamaang palad may mga taong papansin sayo. kakamustahin ka, gustuhin mo man o hindi. ano nga ba ang punto ko? wala. panibagong yugto lang naman to ng pagkabagot ko isinalin ko lang sa blog ko, hindi para sa kapitbahay naming walang ginawa araw araw kung hindi magbingo sa kalsada at makipagtalo sa tuwing nadadaya ang dalawang pisong taya nya, o sa mga kaibigan kong nakasalamuha ko ng matagal, biglang lilisan, at muling magbabalik. at mas lalong hindi para sa mga kamag anak ko, para kanino pa? edi sa akin. lahat naman ito e nagiging basehan nila upang magbigay ng opinyon sa kung ano man ang nais nila. pwede itong maging salamin ng pagkatao ko. o maging batayan nila kung bakit ako nagkakaganito.

ano ang ending? wala pa. tuloy tuloy pa rin ang kwento e, buhay pa naman ako. mamaya matutulog ako at kung suswertihin mananaginip. na sa panaginip na yun masaya ako. masaya talaga. di tulad ng maskarang kailangan kong suotin araw araw na as tuwing may problema e ibabaling ko ang mukha ko sa kabila para di makita yung gusot sa mukha ko o maging ang pagbabago sa magiging kilos ko. mas mabuti na siguro yung ganun. kahit alam na alam mong hindi.

bakit ang boring? ganun talaga e. di naman kailangan bigyan ng importansya para sa iba yung mga ganitong hinaing. di naman rin ako makata para idaan ko sa mga matatalinhagang salita o balutin ng kung ano anong palamuti yung mga ginagawa ko para bigyan ng pansin o gawan ng papuri ng iba.

mas ok na para sa akin na maging ganito. di naman titigil ang mundo pag nawala yung pagganito ko di ba?
tignan na lang natin baka bukas maiba naman...

you don't bite the hand that feeds you

true.

you can only bark and obey to their whims.

you can run and struggle all day long.

but at the end of the day you will find yourself bound by chains around your neck.

struggling all your life to be free...

nakaw

mahirap yung bigla kang mawawalan ng kung ano ano. higit sa lahat pera. oo pera. di naman lingid sa kaalam ng usual na kasama ko sa bahay na kapos ako sa pera. pero syempre di mawawala yung mga uninvited guests na titigil pa at manunuluyan ng ilang araw. ok lang naman sana, sa isang banda e di ko naman to bahay. sa tita ko to. at sinasamahan lang talaga namin ang lola ko. ang kinasasama ko lang ng loob e walang wala ka na nga. lalo pang mawawalan. magulo? oo kahit ako naguluhan dun. isama na natin ang katotohanang mahirap magbintang. oo mahirap pagbintangan ang isang tao na sya yung responsable sa nawawala kong pera. kahit na kilala mong sya yung pinakamalikot ang kamay na bumisita sa inyo. damay damay pa at pati mga anak nya e namana ata yung ganun. nahuli mo na sa akto di pa aamin. nakakasama talaga ng loob. pakunswelo de bobo pa na di lahat lahat ng pera mo kinuha. o yeh nagtira pa naman ng 120 petot. nakakapagtaka. di naman ako umaalis so alam ko kung magkano pa ang pera ko. dapat na talagang bumili ng kandado para sa bag ko. dun ko na lang ulit ilalagay ang pera ko. pero lalagyan ko na ng kandado. yung susi di mo makikita parating nasa akin yun. better yet kunin ko kaya yung mga lock na de numero? ewan ko. nagtatatlong isip na kong maglagay ng pera sa mga lugar na di naman ganun kaobvious makita pero may nakakahanap pa rin e. matyaga talaga, lalo na pag andito sila. lahat talaga ng mga bagay na madaling madampot at maitago kailangan talagang itabi. tongeno mo po. pakyu ka sa ert. sayong sayo na yung perang kinuha mo sa bag ko. di man yun kasing laki ng gaya ng nawala sa lola ko pero paunti unti ka naman kung tumira. pwede namang manghingi e. papahiramin naman kita. kung di man kita mapahiram yun e sa kadahilanang wala akong pera o may pinaglalaanan ako dun sa naitabi kong pera. 


sana sa uulitin maisip mo rin yun. pero ewan ko. kung ganun ka kagipit para pitikin pa ang kakarampot na pera ko e malamang kailangang kailangan mo nga yan. pero pakyu ka pa rin.

bangungot o panaginip lang

narasan mo na bang managinip? malamang oo.. ang gago naman ng tanong na to. syempre batid din dito sa tanong na to kung natatandaan mo ba ang huling napanaginipan mo. dun malamang magkakatalo talo ang sagot ng kung sino man ang makakabasa nito. bakit ko nga ba naisip to? may koneksyon ba to sa nangyari sakin? aba malay mo, malay ko rin. pero oo nanaginip ako kagabi o mas tama ata kung kanikanina lang dahil gising ako kagabi at natulog ako ng madaling araw na.

so may pake ka ba sa panaginip ko? malamang wala so wag mo na lang ituloy ang pagbasa para di sayang oras mo. ang mga detalye ng naaalala ko sa panaginip ko e ganito.

sa di ko mawaring pagtalon talon ng ideya sa isip ko napunta ako sa isang lugar na kung saan may tinatahak akong daan. kung ano man meron dun di ko alam. pero kasama ko si ramon bautista. sa di ko rin maintindihang dahilan e nakikitext sya sa akin. kasi daw lowbat ang cellphone nya. sabi ko naman wala akong load. so parehas kaming naglalakad at kinukwento nya ang mga karanasan nya sa pagtuturo at pagiging parte nya ng strangebrew.
di naglaon e natumbok ng daan ang isang panaderya. kadalasan sa ganitong pagkakataon e may sideline ang mga panaderya. parang minigrocery ang mga ito at paminsan minsan may loading station rin para sa mga gumagamit ng cellphone.
nagulat na lang ako ng biglang nawala sa tabi ko si ramon. pagbaling ko ng tingin sa panaderya e kausap na nya yung tindera tungkol sa load at sa panderegla at putok.  nakataas pa ang kanyang kwelyo at parating nakapose pag nagtatanong.

biglang nagpalit ang buong pangyayari sa isang iglap. naguguluhan man ako pero alam ko ang ginagawa ko. at may ginugulpi akong tao sa harapan ko. tuloy tuloy ang pagsapak ko sa mukha nya. napansin ko ring nakauniporme sya. tumigil ako sa pagsuntok at pag lingon ko nagsisilayuan ang mga nakapalibot samin. umalis ako na parang wala lang. tumutulo ang dugo sa kamao ko pero parang wala ako sa katinuan ko sa nangyayari. pumunta ako sa banyo. binuksan ko ang gripo at naghugas ng kamay at naghilamos na rin. di ko napansin andun pala si adrian. naninigarilyo. alam ko sa totoong buhay di naninigarilyo yun pero sa panaginip ko naninigarilyo sya. ah oo nga pala tumatae sya ng mga oras na yun nakabukas ang pinto ng cubicle. natatakpan ng amoy ng usok ng sigarilyo ang amoy ng ebak nya. may napagusapan kami tungkol sa walang katapusang alitan ng dalawang gusali na magkatapat. parehas naman daw puro studyante ang andun pero nagkandaletse letse lang daw ng nagrambol ang mga studyante. dati rati daw e nakabukod ang mga sutil sa mga matatalino. kaya naging dalawa ang gusali para ibukod ang dalawa. pero may mga pumasok sa kabilang gusali. napaaway kasi sila'y naiiba. di ko naintindihan ang mga sinasabi ni adrian. nakasalubong namin sa paglabas ng banyo si orang. as usual may dala dala syang camera. kinuhanan daw nya yung nangyari kanina. tapos hinanap na namin si tomas. babalikan pa kasi namin yung mga lumapatangan sa kakilala naming si tisay, yun ang sabi ni adrian. susugod daw kami sa kabilang kampo. napakamot ako ng ulo sa mga panahong yun at sinabi kong dumiretso na lang kami kasi malamang andun na si tomas. tama nga ang hinala ko at naroon na nga si tomas nauna ng kumilos dinig sa sigaw na galit na galit siya. ewan ko kung anong puno't dulo ng mga nangyari at kung bakit kailangan naming maghiganti.

natapos ang lahat ng ito ng bigla akong magising. di ko alam kung ano ang koneksyon ng lahat ng ito sa mangyayari ngayon o kinabukasan.

sa palagay nyo kung matutulog ba kong muli may part two pa ba ng mga napanaginipan ko?
makakapagpaload na ba si ramon bautista?  ilan kaya ang nagulpi ni tomas? at naging maganda kaya ang mga kuha ni orang? bangungot ba itong maituturing o isang panaginip lang?

at higit sa lahat..

naghugas ba ng kamay si adrian?

dapa

hindi naman porke may mga naglalabasan flop or kung ano mang crap e ikakahiya mo na ang buong lahi mo.
hindi rin naman ata tama na may nagawa ng kapalpakan e sisihin mo na ang lahat lahat sa mga nangyari.
maari namang tumayo kapag nadapa di ba? maari ring pagpagan mo ang nadungisan mong tuhod binti at kung ano man at maglakad muli.

choco-yey

nagpunta ako kila aling vicky. inutusan kasi akong bumili ng uulamin naming sardinas at tatlong beef noodles para sa araw na iyon. pumayag akong lumabas ng bahay kahit na abala ako sa paglalaro pero andun ang magic words na "sa iyo na ang sukli" hindi na ko nag-atubili wala pang ilang saglit kumaripas na ko at lumabas ng bahay para magtanong kung meron ng bibilhin ko sa tindahan. pagdating ko dun napa wow ako may bagong binebentang candy. matamis sya sabi ni aling vicky. ito rin daw ang pinakabago at pinagmamalaki ng isang kilalang kompanyang taga gawa ng candy. maganda ang baluti nya. napukaw ang mata ko sa pagtitig. o ano pa nga bang panunukso ng tadhana at biglang tumunog ang jingle ng commercial ng candy sa tv at binibidahan pa ng kilalang childstar na tagaendorso ng candy. mukhang masarap nga sya. halata sa itsura ng tagaendorso ng candy na nasasarapan sya at nageenjoy sa pagkain nito. napapaisip na ko sa mga oras na ito.biglang pumasok ang mabilis na computation ng mga bibilhin ko at kung magiging magkano ang sukling pwede kong pambili ng candy. "ayos" sabi ulit ng isip ko kakasya pa sa 1 candy ang makukuha ko. medyo may kamahalan sya kaya 1 lang muna ang pwedeng bilhin. napatitig ako ng matagal sa candy. parang napunta ako sa kung ano mang lugar na naisip ko nun lang. bigla akong nalagay sa imahe na kasama ko ang candy at ako lamang ang meron nun sa simula nang biglang may dumaang kalaro ko hawak hawak rin nya yung candy na inakala ko na ako lang ang meron. nasundan pa yun ng ibang kalaro ko na hawak rin at ninanamnam ang candy. para akong nanlumo. pero hindi panlalaban ko sa naisip ko. meron rin akong candy di ako dapat malungkot. pero biglang naglaho ang mga panaginip ng may naalalang importanteng bagay.


"diabetic ka nga pala iho" bulas ni aling vicky.

para akong nabuhusan ng malamig na tubig. kaya nagpasalamat na lang ako at umuwi sa bahay. pagdating ko dun pinagalitan ako kasi di ko rin nabili yung dapat kong bilhin. naunsyami pa ang mga pangarap kong kumain ng candy. kaya nagtapos ang araw na ngumangata ako ng biskwit na walang lasa at nagpakasasa na lamang sa ibang bagay na pwede kong pagkaabalahan.

kasinungalingan

sa isang ideya nagsimula. di mo alam kung bakit. dyan rin nabuo ang di dapat nabuo. hindi mo namalayan dun ka na namumuhay. at iiwan ka sa huli na nagtataka at puno ng pagdududa. wala kang habol. wala naman talagang nangyari. kinuha ka sa mundong ginagalawan mo.di mo alam kung kusa kang pumasok sa mundo nila. o napursigi ka lang na pumasok para makitungo at makibagay sa kung ano mang kilos, gawa, pagiisip o kung ano man ang kinakailangan para manatili ka sa lugar nila. ni minsan di ka nagtaka. ni hindi man lang nagdalwang isip sa mga kilos o sa mga pagbabagong nangyayari. sumabay ka sa agos ng panahon. sa panahon na kung saan para kang lutang sa pinagbabawal na ligaya. nasaid ng sobrang ligaya na di mo na alam kung tama ba talaga ang iyong ginagawa o ang mas kalunos lunos kung tunay nga ba ang ligayang dapat mong maramdaman. di ka na nakapagisip. pero sige lang. masaya ka sa mga oras na iyon. sa sobrang saya na para ka ng bulag sa mga nangyayari sa harapan mo. para kang ninanakawan ng harap-harapan pero masyado kang lango at di mo mawari na ikaw pala ay nasasalisihan na ng di mo nalalaman. hanggang sa bigla na lang silang mawawala. dun pa lang magsisimula ang pagtataka at ang pagtatanong sa sarili. anong nangyari? bakit nagkaganon? bakit nawala? may nasabi ba ako? may nagawa ba kong mali? bakit parang sa mga ganitong pagkakataon tinatanong mo ang sarili mo? na parang ang punot-dulo ng lahat ay ikaw ang may sala. na ang sarili ang dapat managot sa lahat lahat ng nangyari. ngunit sa isang banda ikaw lang ba ang dapat sisihin sa lahat lahat? paano na kung malaman mong isa ka lamang piyesa o parte ng tauhan para sa kwentong ginawa para makaalpas ang isa sa sitwasyong kanyang tinatahak? na ikaw ay pwedeng ihalintulad sa isang terminal o istasyon na kung saan magpapalipas lamang ng ilang sandali at lilisan rin pagkatapos. na ginamit ka lamang upang maibsan ang lungkot at paninibugho ng damdamin para makapag simula sya muli ng panibagong buhay, ngunit di ka nga lang kasama. isa ka lamang instrumento para pagbasehan ng mabuting ehemplo o isang makaidelohiyang kaisipan na magiging basehan ng dapat at hindi dapat.o isa ka lamang katatawanan. isa itong sumpang parang pinataw sayo simula ng lumisan ka sa kung san ka man naroon dati. na ikaw ay pinagkakatuwaan lamang. na ikaw ay isa lamang isang malaking biro. na pinagtatawanan sa pagkakataon na ikaw ay pinaglalaruan. isip man o damdamin. siguro sa ngayon matatawa ka na lang kapag naiisip mo ang nangyari. wala ka naman ng magagawa, nangyari na ang mga nangyari. kailangan pa bang ihingi ng kapatawaran? kung di rin naman maipaliwanag kung bakit nangyari ang mga nangyari? kailangan mo rin bang humingi ng dispensa para sa mga nagawa mong kapalpakan? pero naihingi mo na ng kapatawaran yun. kailangan na lang bang tanggapin ang mga nangyari? ganun na lang ata. wala na atang remedyong magagawa. kahit ilang masilya pa ang itapal mo ganun pa rin. kahit pagsuotin mo ng marangyang kasuotan ganun pa rin. san na nga napunta ang dati? iba na kasi sya ngayon. iba ka na rin. nagbago na ba ang lahat lahat? o sadya nga lang mabagal ka para humabol sa takbo ng kasalukuyan. siguro nga. pero malay mo nagkakamali ka lang ulit. balik ka na lang muna sa mundo mo. kung nasaan ka nuon. lagyan ng harang ang dapat lagyan ng harang. ikulong ang dapat ikulong. gamitin ang alaala upang aliwin ang sarili. huwag ng hayaang mangyari pa ang mga kasuklam suklam na bagay na ayaw mo ng mangyari. manatiling gising. mangarap pa rin. magtiwala sa dapat pagkatiwalaan. at ihanda ang sarili baka niloloko ka naman ng pagkakataon. at magising na namumuhay ka na naman sa mundo ng kasinungalingan.

ihi

dun lang ako nalungkot. na sa mga oras na di mo pinansin yung nararamdaman ko pero pagdating sayo e dapat ako ang makisakay. at sa mga oras na nakiusap ako sige ka pa rin ng sige. di lang naman ikaw ang kailangang pakibagayan. may oras rin na sana umiintindi ka rin. nakakalungkot lang at wala kang pakialam sa nararamdaman ko kasi ang importante e yung nararamdaman mo. so pano na ko? kelangan ko na lang bang tumahimik at umupo sa isang tabi hanggang balikan mo at pansinin ulit? di naman siguro ako kelangan magpigil ng nararamdaman. pagbigyan mo lang minsan lang ako humingi ng pabor di pa pagbibigyan bagkus e kailangan ko pa ring makiapid sa kung ano man ang iyong nais. ayos. sige ayoko makipaglaro ng pataasan ng ihi. mababasa rin ako ng sarili kong ihi kung sakali mang manalo ako sa larong gusto mo.


ktnxbye

habol

kelangan ko pa bang magpaapekto?
kung di mo ako kinakausap anong gagawin ko?
ano pa nga ba ang nararapat?
manglimos ng atensyong sapat?

kinakailangan ko pa bang magparamdam?
kung ikaw mismo di makapansin
kapag andyan ka at ito'y aking alam
kayang kaya mo akong tiisin

sa panahon ngayon di na ba ko dapat maghabol?
baka mauwi lang luhaan at napahiya
na hindi man lang kayang ipagtanggol
ngunit sino nga ba ang nagpabaya?

wala naman talagang dapat sisihin
kailangan na lamang tanggapin
kung di mo lubusang iisipin
hindi lang puso ang dapat sundin.

DABDA

"HOY KABAYO!" 


naguluhan siya ng sabihan sya ng ganyan. muli syang nagulat ng may nagsabi ulit sa kanya

"KABAYO! bilis bilisan mo nga dyan. ako naman ang gagamit nyan" 


dinibdib nya ang paratang na to. tumingin sa salamin kinumpara ang sinasabi ng iba. "mukha ba talaga akong kabayo?" "hindi, ang layo ko sa itsura ng kabayo"  


---denial---


pagkalabas nya ng kwarto. bigla ulit syang sinigawan.

"ANAK NG KABAYO naman... bakit ba ang kupad kupad mong kumilos!" 


sa di mo maipaliwanag na dahilan. binato mo sya ng pinakamalapit na bagay na nahawakan mo.

"e gago ka pala e, bakit di mo subukang gawin yung sinasabi mo kailangan mo pang iutos kaya mo namang gawin!"


---ANGER---


sa panahon na to. nagkulong sya sa kwarto nya. umiyak ng umiyak....sabay nagsusumigaw sa kisame


"bakit!?!?! BAKIT GANITO ANG BINIGAY na mukha nyo sakin!!!??? sana ibang mukha na lang sana ginawa nyo na lang akong lumpo kesa magkaron ng ganitong mukha"  


----bargaining---



nagkulong sya at nagnilay nilay.  naging apathetic sya sa lahat ng nangyayari sa paligid nya. wala syang kinakausap. hindi rin sya kumain at kumilos ng normal. andun lang sya sa kwarto nya. nakaupo sa sulok.


---depression---

sa pagkukulong nya sa kwarto nakakita sya ng isang libro. binasa nya ito. at nakalagay dun.


"kung tinawag kang kabayo ng isang beses wag mo itong pansinin. kung lumampas na sa dalawang beses kang tinatawag na kabayo. aba baka kailangan mo na ngang maghatak ng kalesa"




sa pagkakataong yun. tinapon nya ang libro at lumabas nag bahay.

"ito na ang simula ng bago kong buhay" 


di na lang nya ininda ang mga paratang ng ibang tao. nabuhay sya malayo sa lugar na pinanggalingan nya. at nagsimula muli.

--acceptance--








nagugulumihanan

di mapakali
walang masisi
di naman malaman
kung bakit naguguluhan


kelangan ba sumulong?
sawa na sa pag-urong
maingay rin ang ugong
alam mo ba ang binubulong?

asan na napunta ang diwa?
kanina lamang ay nariyan
di ka man lang naawa?
bigla mo na lang pinabayaan

di ko rin mawari
kung anong nangyayari
isip ay litong lito
wala namang nanggugulo

saan nga ba to patungo?
ba't di pa rin natututo?
hindi kasi sumunod sa panuto
kaya tuloy nagkakaganito

what the fuck just happened?

bright lights slowly become dimmed
your days slowly fading away
it came all too sudden

so what the fuck just happened?

it came as fast as the blink of an eye
then you're interrupted by questioning "why"
a brief moment of joy left you saddened
so what the fuck just happened?

now you are left to wonder
to fight one thought against another
with no underlying point to ponder
so what the fuck happened?

now you are stuck to the place to hate the most
with no other options left for you to boast
no, it's not cool to end a rhyme with toast
so what the fuck just happened?

stop playing on words and move along
to find the solution on what went wrong
to know what the fuck just happened
only to find out you just hit a dead end

on cravings, pretending and slow death.

you know how i crave for you
yet you don't give a damn
as i pick my pace to follow
yet you don't seem to bother

"hey! your walking too fast"
i tried screaming for you to stop
yet you don't listen
you never did
maybe you never will.

i have stopped from following now
for i fell on the ground, faced down
i'm all bruised up and bleeding
nobody's fault to blame but my own

-------

look what it did to you
i hope you are happy now
with all the shit that has happened
should i be so sorry now?

shall i ask myself if i am wanted
or am i just once again needed
is it part of a schemed plan
that you will leave once you are done

was it all worth it
i just feel the need to ask
but i think it doesn't matter
for i'll hide behind another mask

---------------

i stand between boundaries
my hands were raised up high
on one hand i hold a pen
a knife on the other


torn between stabbing myself
with any of the two things that i hold
to the part of me that is left
of what remains or so they told


i pushed the one i hold on my right hand
straight to the core of what hurts the most
followed by the one that i hold on my left
with every thrust the wounds immediately closed

i think i'm gonna die

well almost.

your love won't release me i'm bound under ball and chain

it doesn't feel the same.

nuff said.

miss

it is strange to think that it has been quite a while since we last talked. i have talked with a stranger, a random stranger whom i have just met while standing in line a while ago, but not to you.
i've have seen sunsets and gaze at how the moon has change its phase but none of it matter if i would not be able to speak with you again. i mean yeah it is unfair. you left without a word and just go with your own way. you have been trying to live a life on your own without having to share it with me. i may be a bit selfish to think that i could have at least be a part of it, but you have not given me a chance to be part of it..well not anymore that is.
it really did take a toll with me. but i guess you don't give a damn about it anymore.

am i becoming indifferent now?that i do not know. i may be numb from all of this hurt and sufferings that all this shitty life has been throwing right at me. i won't nudge an inch. i will endure. i will be strong. i will live. i keep telling myself that.well a part of me keep on saying that. i know it has been long since we had talked. i mean when was the last time? do you remember? or do you keep it as another one of those shenanigans that you have been up to. i think you have been threading on the misguided path since then. you know where you are though. i cannot keep on pulling you in on the right path if you have been so eager to go on your own way.

where it lead you? im not really sure. im still here to see where it all lead. im just gonna stand by my ground. and watch you from where i am at, till you can wake up some sense in you. well i hope by the time that moment will come, you will still be standing. i hate to see you like this. feeling broken and unwanted.
you deserve so much better. you will get through this. this too shall pass.

and if all else fails. remember who have stayed with you through all those shitty times. you have the pleasure of having some transient friends for now..but when you are not at the top anymore and your purpose have expired with them you will see who your friends really are, and it will be sad to know that it is them whom you neglect the most.

take a breather and move to a different scene. maybe you will find what you are looking for there.
and maybe...just maybe


you will start to live again.

tawa

nakakainggit na kaya nyong magpakasaya
sige tawa pa..
na kayang kaya nyong gawing biro ang lahat

isantabi muna lahat ng problema para sa sandaling ligaya
sa lahat ng mga naidadaan nyo ng konting biro
sa udyok at hirit ng mga kapwa nyo komikero
di bale ng may masagasaan
di bale ng magpakamanhid
ang importante yung nagkakasiyahan kayo

tawa lang sige..pagtawanan nyo pa.
dyan kayo magaling.
dyan kayo masaya.
sige lang.
tawa pa

hango mula sa maraming tagpo blg.3


ang sulating ito ay gawa gawa lamang. ang anumang mga pangalan, mga karakter, lugar at pangyayari na nabanggit dito ay panay ang produkto ng imahinasyon ng may-akda. anumang pagkakahawig sa tunay na pangyayari, lugar o mga taong nakatira o patay na, ay lubos na hindi sinasadya.



ikatlong yugto: tuso


Nagpapakatanga lang ba talaga si Boyet? Bakit di nya maipaliwanag sa sarili ang mga nangyayari? Parang walang payo o rason na tumatatak sa isip nya. Ilang beses man syang kinukumbinsi ukol sa mga bagay na pinoproblema nya ngayon pero wala pa rin. Ilalaan na lang nya ang tiwala na ang lahat ng bagay ay magbibigay linaw sa takdang panahon.

Sa kabilang dako, ilang oras na ring naiwang nag aantay si Gigi. Halos mangalahati na pagkakaubos ng sigarilyong kanyang hawak hawak ngunit di pa nya nahihithit. Hindi rin alintala na nakakarami na syang nasindihang yosi. Mahigit kalahati na ang laman ng kaha ng yosi ang kanyang naubos. Halos matulala at iniisip nya kung nasaan ang kanyang pinsang si Annie.

Alam nya kung ano ang ginagawa ni Annie sa mga oras na ito. Madalas na rin nilang napagtatalunan ang tungkol dito. Parang nagsawa na rin sya paulit ulit na sinasabi nya para mapagtakpan si Annie kapag tinatanong sya ng kanyang tiya. At sa mapagbirong tadhana ay parang nadagdagan pa ang kanyang pagiisip ng kausapin sya ni Ferdi tungkol sa nangyayari kay Boyet.

Sa totoo lang ay pagod na rin sya sa pagbibigay ng payo kay Boyet. May pagkakataon na rin na halos magdamagan na nilang kinukumbinsi ng kanyang kasintahang si Ferdi si Boyet na bumitiw na pero kahit anong pilit di pa rin nila makumbinsi ito.  Kung mamumuti man ang uwak sa pag-aantay nilang mabago ang isip ni Boyet sa tangka nilang pagkumbinsi ay napakalabong mangyari.

Nakikita nila ang sitwasyon ni Boyet. At para kay Gigi, hindi na awa ang nararamdaman nya para kay Boyet sa ngayon kung hindi pagkainis. Hindi na nya makuhang maawa kay Boyet pagkat nakikita naman nyang alam ni Boyet ang ginagawa nya. Alam ni Boyet  ang nangyayari sa kanyang paligid pero mas pinipili pa nyang magpaka bulag, pipi at bingi sa katangahan.  Inilihis na lamang nya ang pagiisip sa problema ni Boyet at binalik ang atensyon sa kanyang pinsang si Annie.

Kung  dati rati ay galit sya kapag ginagawa ni Annie ang mga bagay na kinasusuklaman nya ngayon ay parang napalitan na ito ng paghanga. Sa paraang unti-unti syang minumulat ni Annie sa mga ideyang takot syang subukan. Sa mga pagkakataong nagsasalita si Annie at napapakinggan nya ito ay parang naGiging proud sya sa kanyang pagiging pagkababae.

Na hindi sa lahat ng oras babae ang talo sa laro, minsan inaakala mo lang yun pero sa totoo, babae ang nagwawagi. Di sila ang madalas na biktima. Bagkus sila ay hindi tanga pagdating sa laro sa kama. Sa ideyang pinapamulat ni Annie sa pinsan nya, babae ang bida.

Simple lang kasi si Gigi. Kung ikukumpara kay Annie sa pananamit o sa kilos man. Mahinhin si Gigi at kung manamit ay simple lang rin. Simpleng blouse na tineternohan nya ng maong na pantaloon at palagi syang naka pony tail. Sa kabilang dako naman ay si Annie, walang takot si Annie. Palaban. Matalino at kung manamit ay aakalain mong isang mayaman. Sexy kung manamit si Annie, hilig nya ang magsuot ng mga mini skirt na parati nyang binabagayan ng mga stiletto. Mas naipapakita ang hubog ng katawan ni Annie kapag ganyan ang suot nya at nadadala naman nya ang damit nya ng hindi sya mapagkakamalang bastusin o pakawala. Hindi naman nakikita ang hubog ng katawan ni Gigi sapagkat sya ay parating naka closed-neck na blouse. Kapag nakikita si Gigi ni Annie ay hindi sya nakakaligtas sa pambabatikos nito sa pananamit. Hindi raw sya isang ehemplo ng babaeng conservative kung hindi isang babaeng mapagpanggap.

 Sapagkat ayaw nyang pagbigyan ng laya ang kanyang pakiramdam na sexual.  Dahilan ni Annie na tinatago ni Gigi ang kanyang alindog sa mga taong tumitingin. Pinipigil nya ang mga urge nyang mang-akit.

Sa isang banda kapag nililitanyahan na siya ni Annie ng ganito patungkol sa libog ng kanyang katawan ay lihim na naaarouse sya. Nabubuhay ang kanyang pagkababae sa ideyang binibigay ni Annie na malibog ang katawang tao natin sa mundo, at nasa kanila lamang kung paano nila isisimbulat sa sarili ang kalibugan ng katawan nila.

Labag man sa kalooban nya pero aminado rin naman syang may punto ang sinasabi ni Annie. Nasa tao mismo kung paano nila ipapaalala ang kanilang kamalayan sa masidhing tawag ng laman. Minsan na rin nyang binusisi kung bakit nakakayanan ni Annie na manlalake habang nasa isang relasyon pa sya, iba kasi ang iniisip ni Gigi. Para sa kanya ang lahat ng mga nasa relasyon ay pinapangarap nila na sa sila na ang magkakatuluyan balang araw.

Tinawanan lang sya ni Annie sa pagkakasabi nya dito. Isang tawang pang kontrabida. At sinagot ang tanong nya

“wala namang problema samin ng boyfriend ko sa ngayon. Kung possible ngang magmahal ang isang tao na higit sa sarili nya e masasabi ko ngang mahal nya ako. Pero sa tagal na namin e masyado na akong at ease sa kanya. Tumaas na yung comfort level naming sa isa’t isa na parang kaya ko ng ipredict kung ano ang mga susunod na mangyayari sa kilos nya at sasabihin. Wala na tuloy excitement”

Di masyadong maintindihan ni Gigi ang mga sinasabi ni Annie. Bakas ito sa mukha nya ang agam-agam kaya tinuloy ni Annie ang sinasabi nya.

“wala ng excitement sexually. I mean, active naman ang sex life namin pero habang tumatagal e parang kabisado ko na sya. Alam ko na kung san sya hahalikan para mapaungol ng matindi o kung saan ko ilalagay ang kamay ko para may gawin akong ikatutuwa nya. Sa ganyang dahilan e parang nakukulangan na ko. Feeling ko may kulang na samin.”

“so jinujustify mo lang ang kagagahan mo para masatisfy ang sexual urges mo? Para sa sexual  gratifications mo? Ganun?”

“Loka! Ganito kasi yun, alisin mo muna sa isip mo na ako ang topic natin at gawin nating buhay ng tao as a whole ang paguusapan natin ok?”

“ano sa palagay mo ang pwedeng gawin ng tao para maging worth while at memorable ang pananatili nya sa mundo?” tanong ni Annie.

“simple lang, makatapos ng pag aaral, magkatrabaho at magkaron ng maayos na pamilya at magka-anak syempre. Tapos maging successful ka sa career mo, then mayaman na ko.”

“ano naman ang mangyayari pagnamatay ka?”
tanong ni Annie kay Gigi.

“mamatay akong fulfilled. Na alam kong mamatay akong naging makabuluhan ang buhay ko habang nabubuhay ako sa mundo.”

“AMEN!! Palakpakan!!”

Pangaalaska ni Annie kay Gigi.

“Gigi alam mo namang lahat ng tao ay ipinapanganak na nakaprograma na ang gagawin nila biologically di ba? Logically ginagawa natin yan. Dapat ganito yan  o ganito ang paraan  naman ng isa. Pano naman ang aspetong pilosopikal? Sa lahat ng nararamdaman o gagawin ng tao dumadaan lahat yan sa utak tapos gagamitan mo ng logic para iset aside kung tama ba o mali yung mga yun.”

“hello Annie, logic rin ang gamit ng tao para magkaroon ng philosophical reasoning”

“ang logic my dear ay bunga ng mga sama samang idea ng pagbabawal sa aspeto ng social, religious at tradition ng tao. Halimbawa na lang ang pakikipag sex ng walang kasal ay mali dahil yun ang sabi ng simbahan. Logic yon. Sa pilosopiya naman ng tao, nabubuo yan kapag kinakailangan nyang pangatwiranan ang mga ginagawa nya sa mga restrictions na sinet aside ng social traditional o maging religious aspect ng tao.“


“so sinasabi mong tama o mali man ang gawin ng tao ay nasa tao mismo yun basta kaya nyang panindigan kung tama man o mali yun?

“hindi. Ang pilosopiya ay yung paano laging magiging tama ang ginagawa ng tao. Di ba ang sarili rin naman ang magpapasya kung ano ang makakabuti par a sa kanya tama?”

“ so saan naman pumapasok ang mga panlalake mo dyan?”


Tumawa ulit si Annie na parang nakakaloko. Ang halakhak na alam mong totoo at nakikita pa ang dimples nya.

“ang pinakamataas na antas ng pilosopiyang kayang abutin ng tao ay ang pagiging sexual. Bakit kamo? Kasi ito yung pinakabawal gawin sa kadahilanang di mo sya pwedeng ipaalam sa ibang tao ng bulgaran. Nakikita na yung pinakamakabuluhang moment ng tao ay kapag nag orgasm na sya sa habang may kasex o nasa isang sexual setting.”

“err..”

“iyon na nga yun.”

“ang alin?”

“pag nagoorgasm ang tao nagkakaron ng pinakamataas na antas ng pagiisip ang isang tao. Sa orgasm, sa libog, sa paraan ng pagiging sexual nya naipapakita at napapangatawanan na tama ang ginagawa nya.”

“pero san pumapasok nga yung panlalalake mo aber? Ginagamitan mo lang ako ng pagkapilosopo mo pero di mo parin maipaliwanag kung bakit nakakaya mong manlalake e may boy friend ka naman na?”

Tumawa ulit si Annie. akmang sasagutin na sana nya si Gigi ng biglang tumunog ang cellphone nya. Tumatawag ang boyfriend nya  “sa susunod na natin pagusapan yang tungkol dyan insan ok?” sabay kindat at labas ng pinto.

Naiwan si Gigi sa kwartong naiinis.

*itutuloy*

hango mula sa maraming tagpo blg.2

ang sulating ito ay gawa gawa lamang. ang anumang mga pangalan, mga karakter, lugar at pangyayari na nabanggit dito ay panay ang produkto ng imahinasyon ng may-akda. anumang pagkakahawig sa tunay na pangyayari, lugar o mga taong nakatira o patay na, ay lubos na hindi sinasadya.


ikalawang yugto: sirang plaka


sa panahong hindi nya kailangang lumipad ang diwa nya ay sya naman itong dumating. maaaring ito ang sagot sa kanya ng kanyang isip para libangin ang sarili at para ipagpaliban muna ang pagkabigong nasa harap nya. nakailang buzz na pala ang kaibigan nyang si ferdi bago nya namalayan ang mga mensahe sa kanya.
- tol gimik tayo.

kinuha nya ang cellphone at tinawagan nya ito.

minsan na nyang naikwento dito ang tungkol sa kanyang ivette. tahimik na nakinig si ferdi sa kanya habang
nilalahad nya ang istorya ng buhay nya at kung paano nya nakasalamuha si ivette. pero ilang beses na nga ba
nangyari ang ganitong tagpo? sa dami ay di na nya mabilang.

mabuting kaibigan si ferdi, may katagalan na rin nyang kilala si boyet. at sa loob ng panahong yun ay masasabi
nyang kilala nya ang kaibigan at alam nya ang pakiramdam ng pinagdaraanan nito.

"tara nga gimik na tayo"

"may ginagawa ako next time na lang" sagot ni boyet.

"tangna pare alam kong wala kang ginagawa at nagaantay ka na naman sa wala"

di kumikibo si boyet sa mga sinasabi ni ferdi.

"so ano nagbunga naman ba ang pagaantay mo?"

katahimikan.

"busy nga ako pre sa susunod na lang"

"tangna bumitaw ka na lang tol"


"di nga ako pwede kailangan ko pang ipasa mamaya na deadline nito" 
alam nya kung ano ang tinutukoy ni ferdi. pilit lang niyang nililihis ang sagot nya sa gustong pagusapan ni ferdi

isang diretsong sagot ang binitawan ni ferdi 
"tol ano bang ginagawa mo? di mo ba makitang walang patutunguhan yan?"


"matagal na kitang kilala e sa tingin mo worth it yang ginagawa mo?"
 

"pre magkakapera ako dito sa gimik wala. gagastos pa ko"
 

"sanay na sanay ka na dyan no?" 
hirit ni ferdi.

"ha?"

"no offense pre, pero wag ka ng umasa. wala talagang patutunguhan yang ginagawa mo." 

"tigilan mo na yang pagiging martyr mo" 

"wag ka ng umasa sa taong di ka naman mahal" 

naging sunod sunod at matatalim ang mga litanyang binitawan ng kaibigan. parang sinasaksak sya ng mga di makitang punyal sa dibdib nya. at di pa dun natapos si ferdi.

"pare maniwala ka di lang sya ang babae sa mundo madami pa dyan. tangna gusto mo ipahanap kita kay gigi?" 

"alam ko na yang pakiramdam kung pano magpakamartyr"
gustong humirit ni boyet sa huling sinabi ni ferdi, sa utak nya sya nakipagtalo at inisip na  
"mali ka, hindi mo alam kung ano yung nararamdaman ko. wala sa inyong nakakaalam kung ano talaga ang nararamdaman ko. kahit ako nga di ko maipaliwanag kung ano at pano ko nadarama to." bumalik sya sa paguusap ng nagwika ulit si ferdi.

" hanggang kelan mo balak dibdibin yan?" kaunting katahimikan at winika ni boyet na

"hanggang kaya ko pa."

"tangna ikaw na ang epitome ng katangahan

"hahaha gago"

idinaan na lang ni boyet sa tawa ang huling hirit ng kaibigan. isang pekeng halak. bago binababa  and tawag ng kaibigan at naputol ang usapan.

napaisip sya kung namaster na nga nya ang pagiging tanga. ang pagtanga-tangahan sa mga pagkakataong alam nya ang mga dapat gawin. ang pagtakip ng mata sa reyalidad at pagtakas sa malapantasyang mundo ng pag-ibig. ang pagsaalang alang ng kung anong meron sya para sa kanyang minamahal.

totoong bulag sa pagibig.

pinili nyang manahimik muna panandalian. ilang beses na ba nangyari ito?. makailang araw na rin simula ng
huli silang nagusap ni ivette, ngunit pagkalipas ng ilang araw na madaratnan nya sya at magkakausap sila kahit wala pang lima o sampung minuto ay para na syang nasa langit.andun ang normal na usapin at kamustahan tungkol sa nangyari sa araw nya? kung kumakain ba sya sa tamang oras? pero hindi nya direktang maitanong kung bakit sya nagiging mailap? wala syang lakas ng loob gawin ito. pakiramdam nya ay wala syang arapatang gawin ito. di nya pag aari si ivette. walang sino man ang pwedeng magmay-ari sa isang tao kundi ang kanilang sarili mismo. nais nyang ilugar ang sarili kung saan sya nararapat. iyon ang pilit nyang ikinokondisyon sa sarili.

Gusto nyang tanungin kung ano ba talaga ang kulang sa sarili nya? o sadya lang ba syang loser? lalo kasing nangingibabaw ang pakiramdam nyang wag bumitiw pag naaalala nya ito. hindi man malinaw kung ano ang meron sya para kay ivette at di rin maihalintulad ito sa isang relasyon ng tulad ng kay ferdi at gigi pero ayaw ni boyet na umayaw na syang talunan. alam nya na kapag bumitiw sya, para na rin nyang inamin na totoo nga syang talunan.

hindi rin maipaliwanag ni boyet na kapag naguusap sila ay talo lahat ng rason nya. na kahit anong mood nya, kung galit man o nanlulumo ay di umuubra kapag kausap nya si ivette. nahuhulog sya sa bawat  salitang binibitawan ni ivette at sa kung paano sya mag isip.

alam rin nya na mahina sya pagdating sa pagibig. na parang kinakailangan pa nya ng solidong bagay na ubod ng linaw para ipaliwanag sa kanya kung anong nararapat na emosyon ang dapat nyang maramdaman para maintindihan nya yun. ang pakiramdam na kailangan 3D pa ang paraan, isang napakakomplikadong paraan para lang sa napakaliit na bagay.

hindi rin nya maipaliwanag kung bakit nararamdaman nya ang sakit sa pagkakataong nangungulila sya kay ivette? na parang hindi na sya kabilang sa mundong ginagalawan ni ivette. unti-unti na nga bang nabubura ang existense nya sa buhay ni ivette?

"aaaaaaaaaaaaaaaaaaaarrrrrrrrrrrghhhhhhh!" 


nilamukos pa ni boyet ang mukha at sinabunutan ang buhok nya. hindi na nya maituloy ang pakikipagtalo sa sarili at sa kung anong nararamdaman nya kaya muli na lang syang humiga sa kama.

hindi nagtagal ay bumangon rin sya mula sa pagkakahiga at sumandal sa sulok. hindi pa rin nawawala sa isipan nya ang imahe ni ivette. makakausap pa kaya niya ito? sa mga nakakaalam kung nasan man sya ay wala syang makuhanang impormasyon o mapagtanungan man lang. kung meron man, walang gustong magsabi. walang gustong magbahagi ng impormasyon.

marami na syang naiisip patungkol rito. kulang na lang ay sumabog na ang bungo nya kakaisip. hindi na alam ni boyet ang gagawin. kaya inumpog na lang nya ang ulo nya sa pader na malapit sa kanya. makailang ulit rin nyang ginawa ang pagumpog ng ulo sa pader.



paulit ulit hanggang sa napagod sya at natulog na lamang.


*itutuloy*

hango mula sa maraming tagpo blg.1

ang sulating ito ay gawa gawa lamang. ang anumang mga pangalan, mga karakter, lugar at pangyayari na nabanggit dito ay panay ang produkto ng imahinasyon ng may-akda. anumang pagkakahawig sa tunay na pangyayari, lugar o mga taong nakatira o patay na, ay lubos na hindi sinasadya.

unang yugto: pagninilay

tahimik ang paligid pero nabibingi na sya sa kabog ng kanyang dibdib. nararamdaman na nya ulit ang pagbigat ng pakiramdam nya.dinadalaw na ulit siya ng pakiramdam na parang nauubusan ng hangin. hindi rin sya mapakali. kailangan ni boyet ng "distraction" at pilit nyang inkinokondisyon ang sarili. humablot siya ng isang libro mula sa estante. humiga sya sa kama at nagtangkang magbasa. mahigit isang oras na ang nakakalipas ngunit wala pa ring tumatatak sa isip nya. pinagpaliban nya ang pagbabasa at kumuha ng papel at kung ano mang panulat na una nyang mahawakan. nagsimula naman syang gumuhit. sa pagkakataong yoon ay wala pa ring pinagbago. bigo pa rin sya sa kanyang tangkang ibaling ang isip sa ibang gawain.

wala syang matapos sa mga nasimulan nya. at patindi pa rin ng patindi ang pagkabog ng dibdib nya. parang may nararamdaman syang galit sa dibdib nya. galit na di nya maipaliwanag. pakiramdam na hindi naman sa galit talaga. o sadyang di lang nya maipaliwanag kung saan ba talaga galing ang pakiramdam na ito.kung saan man ito nanggaling ay pilit niyang kinakalimutan. nagsimula na syang pagpawisan ng malamig. halos mamuti na ang kanyang kamao sa higpit ng pagkakasara nito. hindi rin nya alintanang nanginginig na ang kanyang kamay. ilang ulit nyang sinuntok ang pader na malapit sa kanya para manumbalik ang pakiramdam. ngunit bigo siya. walang epekto. di pa nya nararamdaman ang sakit na dulot ng huli nyang ginawa.

bumalik sya sa pagkakahiga at sinubukan ulit niyang pumikit at hinayaang maglakbay ang diwa nya kung saan man palarin.  ngunit kahit anong pilit niya ay bumabalik pa rin ang imahe ng kanyang minamahal. pilit man nyang ibahin ang iniisip. hanggat maaari ay ayaw niyang isipin ang kahit na ano na magpapaalala sa kanya patungkol kay ivette. subalit parang nanunuksong pilit ang kanyang diwa na paulit ulit syang kinukutya sa kanyang isipan ng mga bagay patungkol kay ivette.

naalala nya ang mga mata ng kanyang mahal, ang pinakapaborito nyang parte ng katawan ni ivette. ang mga matang nangungusap. ang mga matang nagbibigay liwanag sa kanya. ang mga matang  nagbibigay buhay sa mga araw nyang parang lugmok sa pagod, problema at kung ano-ano pa. ang mga mata ni ivette na nagbibigay laya sa kanya. ang mga matang nakakahumaling.  mga mata ni ivette.

may mga pagkakataon rin na parang sunod-sunuran sya sa mga naisin nya. mga pagkakataong nais nyang mas lalong mapalapit kay ivette. sa mga paraang minsan ay nakakalimot na sya sa sarili. mga panahong kung ano man ang naisin ay kanyang susundin at gagawin. may pagkakataong nasasaktan na rin nya ang sarili ngunit di nya ito iniinda, basta mapaligaya nya ang kanyang mahal. lahat ng sakit ay balewala. kung maaari lang isanla ang sarili o maging ang kaluluwa at buong pagkatao para lang sa ikaliligaya ni ivette ay gagawin nya. hindi rin maipaliwanag ni boyet kung bakit ganun katindi ang pagkahumaling nya sa dalaga.

minulat nya ang kanyang mga mata at sinulyapang uli ang litrato ni ivette sa kanyang cellphone. makailang ulit na rin syang nakipagtalo sa sarili na iwasan ang ganitong pagkakataon ngunit sadyang nahihirapan syang gawin ang bagay na ito. pinipigilan nyang wag na ulit magiwan ng mensahe para mangamusta at ipaalalang narito pa rin sya na handang tanggapin kung ano mang oras nya naising bumalik. di na rin mabilang ang pagkakataong nabigo sya at umaasang makakatanggap sya ng kasagutang hindi pa rin dumadating.

"ano na kaya ang ginagawa nya?"


muli na naman syang napaisip kahit na nais nyang wag munang mag-alala at hayaan na lamang munang ito. pero hindi ganun ang nangyari.

nagbukas na lang sya ng computer. nagbakasakali uling merong sagot sa kanyang mga unang tanong at pangangamusta. kahit na napakalaking tsansang wala syang mababasa, umasa pa rin sya. at hindi nga sya pumalya. tama ang hula nya..



wala ngang mensahe galing sa kanya.


*itutuloy*



panaginip lang

panibagong araw na naman sa buhay ko. nakakarindi na ang mga ingay sa labas ng silid. hindi pa rin sya bumabangon. para saan pa? tanong nya sa sarili. wala rin namang nangyayari sa buhay nya. minsan na nyang nagtanggkang baguhin ang dating nakaugalian ng gawain, ngunit sya'y bigo at nauwi lang sya sa paglulugmok sa kanyang silid.

pagkabigo

paulit ulit na lang bang daramdamin ito? iniinda ko na to ng ilang ulit. makailang beses ko na rin sinubukan. nabigo pa rin. sa palagay ko magiging manhid na ko kung paulit ulit na mangyari to. para di na sumakit.pero alam mo bakit ganun? parang sa ibang pagkakataon ka lang nakararamdam ng pamamanhid? pero pagdating dun. daig mo pa ang kinukuhanan ng sariling hangin. na parang may dagandagan  sa dibdib mong mabigat na bagay na di mo basta maalis sa kadahilanang di mo to makita, at di mo rin mahawakan pero ang bigat ay andun.

paninibugho?

oo ramdam ko rin yan, sabi nya sa sarili. sa paglingon ko may nakikita akong meron sila na wala ako. sa simula di ko naman iniinda e. nabubuhay ako, sapat na yun. pero bakit parang di sapat ang itinutulak ng isip mong sapat na, bakit kailangan mo pang ihangad ang kung anong meron ang iba? magarang bahay, magandang sasakyan o makabagong kagamitan..lahat yan panandalian lang. nawawalan rin yan ng halaga pag naluma na. pero pano sa ibang bagay na wala ako sa ngayon? mga bagay na di naman nabibili...mga tipong walang kwenta sa iba, kasiyahan? pagibig? pagkalinga? mga bagay na winawaldas o isinasawalang bahala ng ibang tao. bakit kailangan kong makamtan to? naiinggit ba ko sa kanila? porket ba may kakayahan silang gawin ang mga naisin nila? na kaya nilang maging masaya sa mga oras na gugustuhin nila? na may mga nakakapagbigay sa kanila ng pagibig at pagkalinga na pilit mong tinatangkang kunin? oo napagtanto ko ngang inggit ito.

marami pa kong gustong itanong sa sarili ko.naging sakim na ba ako? naging mataas na ba ang mga ninanais ko kung kaya't di ko to lahat makuha? masyado ata akong naging gahamad sa paghingi ng kaunting kasiyahan.. pag ibig? naniniwala pa ko dyan. umaasa na kahit sa ganitong kalagayan ko may iibig rin sakin. pero parang nasumpa ata ako na at ang mga iniibig ko, sya naman umiibig sa iba. nauuwi at babalik na lang uli sa pagkabigo.

pero nananaginip lang ata ako. pakigising naman ako. baka sakaling pinaglalaruan lang ako ng isip ko. binabangungot na ba ako ng gising? ang akala ko pag nanaginip ako ng gising nagiging maganda ang kinalalabasan ng mga pangyayari. ewan ko. maaaring tama ako..pwede ring hindi.

sa ngayon.


dun lang ako nalungkot.

hold on for another day

and i put all my faith in my word that i would not leave you. yes i believe i had said that and i still stood by it.
even though it may not seem right to others. even if it hurts as hell i will be here. as long as i can endure it. as long as i am breathing still. the question that i have asked myself is "until when?"

i think i can still hold it all for now. i can hold on for one more day...and if the day comes that i would feel like losing it all i would still hold on for another day. even though it is eating me piece by piece daily i would not lose myself. you do not need to worry about that. what i am most afraid of is losing you.

that is why for as long as i can hold on for one more day i know i will be free. yeah fuck all the pain that i am feeling. they have been there for as long as i can remember. i will endure them all. just for a moment of complete bliss and happiness.

so i will be holding on..

hiwaga ng "yun lang"

eksena *insert lugar na angkop sa sitwasyon*

tauhan1: "pre' namimiss ko *insert name of special someone*"
tauhan2: oh, bakit di mo kausapin?
tauhan1: di ko rin kasi alam e. wala rin akong balita sa kanya
tauhan2: eh puntahan mo na lang kaya? di mo itext or email? tawagan na lang kaya? madami namang paraan dyan
tauhan1: malabong maitext. sa email? nakapagsend na ako. wala pang sagot e. tawag? kamusta naman san ko sya tatawagan di ko alam ang number nya dun.
tauhan2: sus puntahan mo na lang para mawala mga agam-agam mo
tauhan1: gustong gusto kong pumunta... di pa nga lang pwede sa ngayon. nasa malayong lugar e. maraming kailangang gawin para makapunta dun, sa ngayon imposible pa ata yun..
tauhan2: sus naman nasan ba sya?
tauhan1: ibang bansa pre. alam mo naman ang estado ko ngayon di ba?
tauhan2: yun lang.


sa mga pagkakataon na kailangan mo nga mairarason o maihihirit ngunit parang naisip mo na parang pang checkmate ang huling statement ng kausap mo ay mauuwi ka sa pagbitiw ng salitang "yun lang"

pero "yun" na lang nga ba ang tamang paraan o tamang isagot? hindi ba maaaring mas malawak pa dito ang maibigay mong opinion mo? maraming saklaw ang "yun" na pwede mong itukoy. depende sa tao, tama ba? maaaring sumasang ayon ka sa dahilan ng kausap mo, pero sa isang banda e parang may gusto ka pa ring sabihin pero napagtanto mo na sarilinin na lang to. maaari ring parang nadisappoint ka sa rason o sinabi ng kausap mo. kung titignan na parang wala na ngang magagawa at ganyan ang sitwasyon. wala na kong maitutulong o kaya naman e wala talaga syang pakialam sa sinasabi mo.

malabo? oo hanggang ngayon di ko pa rin talaga mahanap ang magandang paliwanag o rason para sa sagot na "yun lang"

kaya sa ngayon magpapakaliwaliw na lang ako sa usok ng pagkabigo.baka sakaling mahanap ang kasagutan sa pamamagitan ng panlilinlang sa sarili gamit ang mga matatamis na pangakong kaya kong bitawan ngunit di agad maisasakatuparan. pait ng tadhana. konting rekados na lang pwede ng kanin baboy.

yun lang.

short story: grim

"give it back!"


Another shout was thrown in the air.  The helpless boy then coils around in the ground. Lying helpless amidst the cold floor of the room, he shook and trembled. He barely has enough clothes to shield him from the cold damp floor of his barren and broken home. He was still trembling yet he remained from the position where he was left. Another cry was uttered.


“give it back please..”


This time he heard enough. He immediately covered his ears with his cold and trembling hands. Shutting all sounds the moment his hands touched his ears. Then there was silence. Little did he knew, he had just passed out.


In his dream it was different. Everything around him seems exactly the opposite of what his life has been. He was wearing comfortable clothes now. The room he was in was sparkling bright with cleanliness. The bed he was lying in was as soft as cotton. He felt like he was in drifting in the clouds. Everything seems perfect, till the time he looked at his reflection in the mirror.


His reflection was entirely different. It surprised him so hard that he fell back down upon gazing at his reflection. “that is not me” he mused. The reflection stared back at him while he sat on floor. Confused and scared, he summoned up all his courage and gave the mirror a quick glance. The reflection was looking straight at him. He was uttering something. Words seem so vague for him to understand the meaning of what the reflection was telling him. Deep down inside he knew what those words were.


“give it back”


“please stay away!” he shouts back at the mirror then ran outside. The reflection stayed on the mirror, crying and felt lost.


The boy kept on running. He passed by strangers who kept on calling at him. He ran as fast as he can, covering his ears as he ventured towards the woods. When he felt like he ran far enough, he broke down and cried.


He was faced down and whimpering still. As tears ran across his face, he goes again to his favorite position. The position he feels safe and secure. While sucking on his thumb, he coils down again crying in a fetal position then he fell asleep.


This was not what he wanted at all. He kept telling himself that. But then who knew that this would happen after that fateful incident.


It was a very unfortunate time to be lost in the woods. He regretted the time when he stubbornly took a detour into an unusual path. The path leaded him to the deeper part of the woods. The path where even the trees began to wither and grass ceased to grew. It was the first time he got lost in the woods and there is no one out there to save him. He was all by himself now. He sucked it up even though tears are lining up his eyes. He retraced his steps only to found out that he was walking in circles. He tried to lay down markers along the way but when he turned back the marker vanishes without a trace. It was becoming late, and darkness is eating its way across the sky. The light was slowly fading and the fog was now becoming thicker by the minute.


Then a shriek from a bird echoed so loud he jumped out of fear and ran. He ran and got cut up by low branches from dead trees. He ignored the pain ran and ran. He thought he heard laughter coming from behind him. he grabbed a thick piece of wood and ran while his eyes were closed and swinging his arm blindly as he moves forward. He ran as far as he could until he tripped on something and fell face first into a swamp.

He stood up and came to see what he tripped him and saw another body. The body was mutilated horridly. He backed away from it quickly. He felt more afraid and hit something again. This time he hit a person’s leg.


He looked up then all he could see was darkness.


He woke up to the pain from his head. His head felt like it was splitting in two. He tried to touch it only to found out he was bounded across a tree. Someone was rustling near the fire he cannot see clearly for this person’s back was facing him. He tried to ask him who the person was but all he could utter was a moan. The person looked back at him and showed his crooked teeth at him. He was balding with hair tossed around like he was pulling it out by force. He was wearing rags and dirty clothes with feet as black as coal.


The man asked the boy to remain still and wait for his turn as he was just about to finish with his meal. The boy focused till he saw what the man doing a ritual. It was the body of a boy that he tripped on a while ago. But what was weird was that the more he nears to finish the ritual the more the body became healthy. He focused as hard as he can to see what was really going on. But the pain kicks in again till he shouted and the man came to him to hit him again and then he fainted.


“it is now finished” these are the words he heard as he woke up. He was not tied up on a tree now. “where am i? and who are you?” he crawled back to see the man standing up  in front of him who just smirks and laughs sheepishly without answering him.


The boy then looks around and saw that there was something different. It was still the middle of the night he thought. But something does not feel right. He asked again “who are you?” This time the man moves in closer to stare at him from head to foot and answered “I am the man who just granted what your heart desired” he was puzzled at the man’s answer. “where am i?” he asked. “you are where you want to be” the man said. He smelled of something very awful, like a mixture of garbage and decaying animal and other filthy stuffs.


He noticed something was quite different now. He was not in the woods. The man now appears to be wearing a white suit. His face was now cleanly shaven and his hair was fixed and brushed up neatly. He looked down on him and told him a few words before he left. “never look at the mirror”. He may be appearing to be clean and neat but the stink from his inner being has been seeping out of his body; at least that was how he saw him. the boy tried to recall what had happen that night, but this was stopped by another headache. A much more painful one that made him faint from the pain.


That was all he remembered. He kept on wondering what happened that night, about why did he wake up as somebody else, and about the reflection who is crying out for him to give something back.

He thought that this nightmare should stop now. He gathered all his courage to stand up and walked back to the place where he had been to.


He knew he  had been always poor. an orphaned boy. His family died right in front of him. His father killed his mother and stabbed himself after. He lived by himself. He denied the fact that he was alone. He kept something from his parents, a little something to remember them by. He kept it closed to him. He made a scarf out of his mother’s favorite dress cut out from his father’s blade. It was the cloth that he used to clean his parent’s body before he put them in their graves.


He was looking for some rocks to make a gravestone for the graves but he got lost. That’s when his living nightmare began. He was now making his way near to the house where he ran out from. There are no more people here. It was dark and there were no lights in the room. He did not care anymore.


He opened the door with trembling hands. Then he slowly crept back to the room armed with a lamp that he picked and light from the kitchen. He then came back face to face with the reflection.

It was all coming back to him now. the reflection he saw now was the boy he saw on the woods. the one with the ugly man. The boy on the reflection was still crying. He called out to the reflection. The reflection stood up. With teary eyes he came running as close as he can be to talked to the boy. The boy on the reflection seemed to lighten up and said “are you going to give it back?” “give what back” the other boy answered. “my body of course” “you stole it to me, you and that man” said the reflection. “I do not know what happened” the boy then explained what had he remembered before he got hit again by the man. “LIES!!! that is not what happened!” shouted  the reflection. The boy was confused about what he heard and asked back “then tell me what happened”


The boy explained that the man didn’t finished what he was doing to him. he was extracting his soul from his body when he came across them. He got knocked out by the man cause he hit him with while he was running around and blindly swinging his arms while holding a piece of wood . This had distracted the man from finishing his ritual so he hit the boy and tied it up on the tree. What the boy saw when he woke up was the ritual to eat the soul of the boy but he was surprised that the man had schemed other plans for them. He switched up their souls and locked the other soul on any reflection that the boy could look into. He told the boy that this was his punishment for ruining his ritual.


The boy was taken aback and was still shocked at what the reflection had told him. He knew now that the reason behind this nightmare was because of the failed ritual. He was about to asked the reflection on how to reverse it but failed to cause the mirror shattered by a stone. It was thrown by the man who now appears to be shifting from the ugly and dirty one to the clean and neat one. He got so terrified that he started throwing things that his hand can touch. The man just laughs as he dodge away the things that was thrown from him and moving inch by inch at the process. the boy was now cornered and again trembling in fear. He was now holding a piece of broken glass in his hand as he saw the man moving closer to him.

“you must not surrender yourself to him” said the reflection. He saw a speck of the reflection through the broken glass. The man eyed him from where he was and gave up his evilest smile at the boy who is now trapped at the corner. He was now crying in fear for his soul might be taken by this man. He was holding the broken glass hard that his hands were now cut and bleeding. “your soul will be mine child” said the man coldly.


“not in this lifetime” said the boy and without thinking about it he plunges the glass into his heart while the man screamed in horror. “NOOO!!” but it was too late the boy did what he had to. But what he saw before all life from himself faded was something else. What remained in his memory was the sight of the man.


Smiling.

on-line card

God, in his heaven

all is right in the world.

biglaan

sa isang iglap natagpuan ko ang sarili kong nakatulala at di kumikilos. nakapagtatakang gawin ko ang bagay na ito. para akong inaatake sa puso. naninikip ang dibdib ko. di ako makakilos. gising ang diwa ko. alam ko ang nangyayari sa paligid ko. napapakinggan ko pa rin ang tunog mula sa headset ko. buhay pa ako. buti naman. pero madaming tanong na bumabalot sa isip ko. bakit ako parang tuod. bakit nakikita ko ang sarili kong nakatitig lang sa harap ng monitor. parang ang layo ng tinitignan. parang nakatulala sa kawalan. gusto kong yugyugin ang sarili ko. gisingin ang sarili baka isa lamang tong panaginip. pero hindi ito isang panaginip. nanikip ulit ang dibdib ko. tinangka kong lingunin ang oras parang di pa lumilipas ang isang minuto pero parang pakiramdam ko ilang oras na akong nakapako sa kinauupuan ko. tinititigang mabuti ang mga bawat letrang lumalabas sa screen kung saan di ko pansin na tuloy tuloy lang ang aking mga daliri sa pagsalat at pagpindot ng mga letra sa keyboard. di ko pa rin lubos maisip bakit ko ginagawa to. bakit tuloy pa rin ang pagsikip ng dibdib ko? bakit wala akong ginagawa upang ibsan ang sakit na ito? kathang isip ko lang ba ang sakit? pero bakit parang namamanhid na rin ang mga braso ko? nagsisimula ng magdilim ang paningin ko. sa ilang saglit lang e parang nagunita ko na ang mga susunod na mga mangyayari. ito na ba lahat yun? muli kong binalikan lahat ng mga alaala ng aking nakalipas. binabalikbalikan ko ang mga kayang alalahanin ng isipan ko. natanong ko ulit ang - bakit? dito na lang nagtatapos ang lahat? bakit parang bumibigat lalo ang laman ng dibdib ko? bumabagal na ang aking paghinga. limang minuto pa lang ang nakakalipas. unti unti kong  napansing bumabagsak ang sarili ko. mabagal. bakit parang ang tagal ng bawat sandali pero parang ilang oras na kong nakalublob sa tubig.  hindi na pala ako makahinga. wala man lang akong lakas para hawakan man lang ang dibdib kong naninikip o pwersa para ibuka ang bibig ko upang sumigaw at humingi ng saklolo. at dun natapos ang lahat. sa panahon na lumagapak ang walang buhay kong katawan sa harapan ng aking kinauupuan. isang maingay na pagbagsak kasunod ng nakakabinging katahimikan. inabot lang ng mahigit labing limang minuto ang lahat ng nangyari na parang pitong oras ang itinagal.hindi na nasundan ang mga pangyayari pagtapos nun...

last 3 words

i'm sorry..

i worry so much
for me being selfish
for i cry and long for you
even though i can't be with you

...yet


i hurt you,

it's my fault i admit it
that we are in this gloomy fit
the damage has been made
and tears have been shed


i apologize...

for thinking about you so much
for i look forward for your touch
that we had to argue and fight
for giving you restless night


i'm sorry

that i have to say sorry again and again
making me look that i'm close to being insane
but there is one thing that i wouldn't say sorry to
it is for the feeling that i love you..

how do i mend the wounds?

i was a fool to ever thought of hurting you.
although the intention was not entirely about meaning what i said.
i know now that i should be wary of the things that i will say to you. 
now i fall into a deep abyss of loneliness and regret.

i need you..
i want you here..

cause i'm afraid to lose you.
i'm sorry but i wouldn't want you to leave.
call me selfish or whatever.



just stay.

please?

with a touch of melancholy

"lost, wanting to find, love that has gone out of reach"

~Outlet 1 - fuseboxx                                                         

would i watch the curtains fall? i know this isn't over.. not yet it is. i still cling on to the thought that there would come a time that we will both watch the sun rise from the horizon and watch as it settles and rest in dawn. till i  see your silhouette from a distance as you come near me and we prepare to embark our journey for another day. 

i feel melancholic.

i would lie if i appear that i am alright. pretending has it's perk at times. other people doesn't seem to notice how much my heart aches as day pass by quick. it pass by so fast without you. i would trade half of what i have to get back on the days and moments that we spend time together. though fate and distance can be so cruel that it contradicts on what we want and wished for. 

all will be fine soon.

i keep remembering those words as it lingers in the back of my worry filled mind. i'm such a worry-wart. it sucks to be this way. i keep telling myself to be patient and wait. wait until everything is alright and ready. until there are no more hindrances in the way. such an optimistic way of seeing things. i can do that. but would you forgive for times that i fail to do this and entertain pessimistic thoughts of having the thought of losing you. i can't seem to bear that thought. 

for i have lost so many things in my life recently. i don't plan on including you in that part. not now. not ever..


absence makes the heart grow fonder

so i hope and pray every waking day and before i rest my weary eyes that you be safe and well. love hasn't gone out of reach. as far as i can see. thoughts of you grow fonder still, in spite of your absence.

until later my love..

the dilemma

it is when you found yourself asking


"am i not good enough for you?"

letter to you


to my dearest,

it seems another day has passed by without you here with me. it hurts to feel this way. the longing is unbearable but i know i have to endure and believe that you will return. i hope you can share stories about what you have been up to lately. you know how i love to hear about your day, may it be about your adventures, happiness, funny encounters or thoughts on misdeeds, trials, sufferings and failure. every thought will be entertained. it makes me feel like i'm much closer to you than i was the day before that. sharing a part of you is clearly something that i wouldn't trade anything for the world.

countless time have i browsed some of our recent conversations. i remember clearly how you react to all my comments and can even see how you smile and laugh as i tell jokes and other fun moments that we both have shared. how i miss every moment we share. i miss your smile, your laughter, i miss you.

i look at the last photograph that you gave me. the memory still lingers in my mind. how i wish i was with you in that photo or even at the time when you were playing the piano. i look at the photograph every night and have the piano recording as my lullaby before i go to sleep. it helps me relax. it helps me ease my mind. it also makes me long for you more.

i really hope for you to be doing well and that you are safe wherever you are right now. you don't need to worry about me. i can still endure the pain of longing. 

my love are with you always. be safe and be well ...

until later..

ich vermisse dich.

as early as the sun will rise, such a lovely view it would be. i would lie if i told you i await for the sun to rise.  you know i always woke up late. i sleep for as long as i can, embracing my pillow and let the rays of sunlight lingers on my face while dreaming.

for my dreams were of you, and as far as i can recall. i would love to tell them to you. - all of it, but not till you come back. i'm saving it all up so we can stay up late and just talk, with you here by my side while we stare at the sky.

am i still dreaming? can someone shook me up now? will it be you to be there when i open my eyes?

i know it will be a long shot for now, but i believe you will be the one who will bring back what is lost within me.

be safe and be well for i will wait until you return..

bis spater mein lieber


ich liebe dich

Basag na Baso


anong nangyari sa aking baso?
yun pa naman ay aking paborito.
natagpuan ko na lang na may lamat at basag-basag
nahuli pang tinatago sa ilalim ng papag.
bakit hindi mo maipaliwanag?
kung bakit duon yun nakalatag
isa-isang pinagdudugtong at pinagkakabit
bawat pirasong binabalik mo ng pilit
naisin mo man itong ayusin
mangako man na di na to uulitin
di na muli ito maibabalik sa dati
basag at may lamat na syang mananatili
sana ay hindi na lang ito ginalaw
ng magamit pa sa susunod na araw
ngunit sa masaklap na nangyaring ito
di na magkakaron uli ng gaya nitong baso
sabihin mo man na ito'y iyong papalitan ng bago
kung di ka naman bobo't kalahating gago
hindi lang naman baso ang iyong sinira
pati mga munting alaala'y iyong binura
na naging mitsa ng tuluyang pagwasak
mula as mga kamay mong pahamak. 

heads up

i may not be active here but im posting some of my sketches in plurk and in my facebook account.
alam ko rin wala kang pake sa nararamdaman ko. pero ang tanong ay ako ba may pake? siguro oo. so ishatapnao. ktnxbye