habol

kelangan ko pa bang magpaapekto?
kung di mo ako kinakausap anong gagawin ko?
ano pa nga ba ang nararapat?
manglimos ng atensyong sapat?

kinakailangan ko pa bang magparamdam?
kung ikaw mismo di makapansin
kapag andyan ka at ito'y aking alam
kayang kaya mo akong tiisin

sa panahon ngayon di na ba ko dapat maghabol?
baka mauwi lang luhaan at napahiya
na hindi man lang kayang ipagtanggol
ngunit sino nga ba ang nagpabaya?

wala naman talagang dapat sisihin
kailangan na lamang tanggapin
kung di mo lubusang iisipin
hindi lang puso ang dapat sundin.

DABDA

"HOY KABAYO!" 


naguluhan siya ng sabihan sya ng ganyan. muli syang nagulat ng may nagsabi ulit sa kanya

"KABAYO! bilis bilisan mo nga dyan. ako naman ang gagamit nyan" 


dinibdib nya ang paratang na to. tumingin sa salamin kinumpara ang sinasabi ng iba. "mukha ba talaga akong kabayo?" "hindi, ang layo ko sa itsura ng kabayo"  


---denial---


pagkalabas nya ng kwarto. bigla ulit syang sinigawan.

"ANAK NG KABAYO naman... bakit ba ang kupad kupad mong kumilos!" 


sa di mo maipaliwanag na dahilan. binato mo sya ng pinakamalapit na bagay na nahawakan mo.

"e gago ka pala e, bakit di mo subukang gawin yung sinasabi mo kailangan mo pang iutos kaya mo namang gawin!"


---ANGER---


sa panahon na to. nagkulong sya sa kwarto nya. umiyak ng umiyak....sabay nagsusumigaw sa kisame


"bakit!?!?! BAKIT GANITO ANG BINIGAY na mukha nyo sakin!!!??? sana ibang mukha na lang sana ginawa nyo na lang akong lumpo kesa magkaron ng ganitong mukha"  


----bargaining---



nagkulong sya at nagnilay nilay.  naging apathetic sya sa lahat ng nangyayari sa paligid nya. wala syang kinakausap. hindi rin sya kumain at kumilos ng normal. andun lang sya sa kwarto nya. nakaupo sa sulok.


---depression---

sa pagkukulong nya sa kwarto nakakita sya ng isang libro. binasa nya ito. at nakalagay dun.


"kung tinawag kang kabayo ng isang beses wag mo itong pansinin. kung lumampas na sa dalawang beses kang tinatawag na kabayo. aba baka kailangan mo na ngang maghatak ng kalesa"




sa pagkakataong yun. tinapon nya ang libro at lumabas nag bahay.

"ito na ang simula ng bago kong buhay" 


di na lang nya ininda ang mga paratang ng ibang tao. nabuhay sya malayo sa lugar na pinanggalingan nya. at nagsimula muli.

--acceptance--








nagugulumihanan

di mapakali
walang masisi
di naman malaman
kung bakit naguguluhan


kelangan ba sumulong?
sawa na sa pag-urong
maingay rin ang ugong
alam mo ba ang binubulong?

asan na napunta ang diwa?
kanina lamang ay nariyan
di ka man lang naawa?
bigla mo na lang pinabayaan

di ko rin mawari
kung anong nangyayari
isip ay litong lito
wala namang nanggugulo

saan nga ba to patungo?
ba't di pa rin natututo?
hindi kasi sumunod sa panuto
kaya tuloy nagkakaganito