habol

kelangan ko pa bang magpaapekto?
kung di mo ako kinakausap anong gagawin ko?
ano pa nga ba ang nararapat?
manglimos ng atensyong sapat?

kinakailangan ko pa bang magparamdam?
kung ikaw mismo di makapansin
kapag andyan ka at ito'y aking alam
kayang kaya mo akong tiisin

sa panahon ngayon di na ba ko dapat maghabol?
baka mauwi lang luhaan at napahiya
na hindi man lang kayang ipagtanggol
ngunit sino nga ba ang nagpabaya?

wala naman talagang dapat sisihin
kailangan na lamang tanggapin
kung di mo lubusang iisipin
hindi lang puso ang dapat sundin.

2 comments:

Dakilang Tambay 1:51 PM  

I CAN RELATE :|

B 1:55 PM  

pano pa ko? pero wag na lang paapekto. (well i keep telling myself that)