ano ba ang epekto kung meron kang depekto


kung meron man o wala anu nman yun sayo?
kaya ka ba nandito dahil isa kang perpekto?
ang pagakakaalam ko e pareho lang tayo
wag kang mag angas kapal ng mukha mo

kita mo ba sa paningin ng ibang kilala mo
kasuklamsuklam na ang dulot nito sayo
wangis ng isang nagpupumilit maging demonyo
kasamaang walang patid , sagad hanggang buto

paano kaya kung ibaling ko ang mga ito sayo?
ng maranasan mo ang pait at sakit na dulot nito
kung isasantabi ko man ang aking napagisipang plano
makuha mo kayang tiisin ang mga sandali hanggang dulo?

kaya ano nga ba ang epekto kung di ka perpekto?
manatiling isang kaawa awang may depekto?
mag isip man ako ng tamang bagay na ipapayo
wala rin saysay yun kung para sa isang tulad mo

0 comments: