nagugulumihanan

di mapakali
walang masisi
di naman malaman
kung bakit naguguluhan


kelangan ba sumulong?
sawa na sa pag-urong
maingay rin ang ugong
alam mo ba ang binubulong?

asan na napunta ang diwa?
kanina lamang ay nariyan
di ka man lang naawa?
bigla mo na lang pinabayaan

di ko rin mawari
kung anong nangyayari
isip ay litong lito
wala namang nanggugulo

saan nga ba to patungo?
ba't di pa rin natututo?
hindi kasi sumunod sa panuto
kaya tuloy nagkakaganito

2 comments:

Anonymous 4:34 PM  

ang lalim chong.

Dakilang Tambay 1:43 PM  

oo naguguluhan ako.