panaginip lang

panibagong araw na naman sa buhay ko. nakakarindi na ang mga ingay sa labas ng silid. hindi pa rin sya bumabangon. para saan pa? tanong nya sa sarili. wala rin namang nangyayari sa buhay nya. minsan na nyang nagtanggkang baguhin ang dating nakaugalian ng gawain, ngunit sya'y bigo at nauwi lang sya sa paglulugmok sa kanyang silid.

pagkabigo

paulit ulit na lang bang daramdamin ito? iniinda ko na to ng ilang ulit. makailang beses ko na rin sinubukan. nabigo pa rin. sa palagay ko magiging manhid na ko kung paulit ulit na mangyari to. para di na sumakit.pero alam mo bakit ganun? parang sa ibang pagkakataon ka lang nakararamdam ng pamamanhid? pero pagdating dun. daig mo pa ang kinukuhanan ng sariling hangin. na parang may dagandagan  sa dibdib mong mabigat na bagay na di mo basta maalis sa kadahilanang di mo to makita, at di mo rin mahawakan pero ang bigat ay andun.

paninibugho?

oo ramdam ko rin yan, sabi nya sa sarili. sa paglingon ko may nakikita akong meron sila na wala ako. sa simula di ko naman iniinda e. nabubuhay ako, sapat na yun. pero bakit parang di sapat ang itinutulak ng isip mong sapat na, bakit kailangan mo pang ihangad ang kung anong meron ang iba? magarang bahay, magandang sasakyan o makabagong kagamitan..lahat yan panandalian lang. nawawalan rin yan ng halaga pag naluma na. pero pano sa ibang bagay na wala ako sa ngayon? mga bagay na di naman nabibili...mga tipong walang kwenta sa iba, kasiyahan? pagibig? pagkalinga? mga bagay na winawaldas o isinasawalang bahala ng ibang tao. bakit kailangan kong makamtan to? naiinggit ba ko sa kanila? porket ba may kakayahan silang gawin ang mga naisin nila? na kaya nilang maging masaya sa mga oras na gugustuhin nila? na may mga nakakapagbigay sa kanila ng pagibig at pagkalinga na pilit mong tinatangkang kunin? oo napagtanto ko ngang inggit ito.

marami pa kong gustong itanong sa sarili ko.naging sakim na ba ako? naging mataas na ba ang mga ninanais ko kung kaya't di ko to lahat makuha? masyado ata akong naging gahamad sa paghingi ng kaunting kasiyahan.. pag ibig? naniniwala pa ko dyan. umaasa na kahit sa ganitong kalagayan ko may iibig rin sakin. pero parang nasumpa ata ako na at ang mga iniibig ko, sya naman umiibig sa iba. nauuwi at babalik na lang uli sa pagkabigo.

pero nananaginip lang ata ako. pakigising naman ako. baka sakaling pinaglalaruan lang ako ng isip ko. binabangungot na ba ako ng gising? ang akala ko pag nanaginip ako ng gising nagiging maganda ang kinalalabasan ng mga pangyayari. ewan ko. maaaring tama ako..pwede ring hindi.

sa ngayon.


dun lang ako nalungkot.

0 comments: