Showing posts with label nobela. Show all posts
Showing posts with label nobela. Show all posts

para sa akin

hindi nga siguro lahat e para sa iyo. kung sa akin man e magpapasalamat ako ng lubusan, kung hindi naman e siguro oras na para idaan na lang sa ngiti ang lahat. nakakapagod ng makipagpunong braso sa mga tinginingining na feelings na yan. nakakapanlumo lang rin kasi na hindi mo maiwasang magexpect ng kung ano out of something gaya ng may pinapakita syang mga bagay na ikinatutuwa mo o sadyang nagiging attached ka lang rin siguro. kakupalan lang sa mga hindot na di umaamin na kahit papaano hindi sila kinikilig kapag may pasimpleng hi o ngitian lang sya ng crush nya. sa mga bagong tuklas patungkol sa mga taong bago mo pa lang nakakasalamuha e parang nakakagimbal man pero parte rin yun ng proseso e. hindi naman pwedeng ipilit mo sa sarili mo at sa kanila yung mga ideals mo sa kanila. masyado ka namang sakim nun. 

tsaka mas ok na rin siguro na tanggap mo sya sa kung ano/sino ang kabuuan nya. hindi yung parang ilang parte lang nya yung gusto mo. kasi lahat e nagdadaan sa pagbabago. kaya ipoproseso mo pa yun. minsan kasi kailangan mo ring gumamit ng utak. hindi puro puso lang.

nakakalungkot lang kasi masyado na atang moderno ng panahon na hindi na ako makasabay sa kung ano mang nangyayari. kung ano man yung cool o acceptable sa iba e parang di pa ring katanggap tanggap para sa akin. siguro nagiging grumpy na ako o sadya lang judgmental o baka nasasama lang sila sa pagiging stereotypical ko. ewan ko. minsan kasi di ko rin maintindihan talaga. kailangan mo lang sigurong tanggapin na hindi lahat at para sayo. kaya kung kanino mo man ibabahagi yang feelings mo, good luck .:)

kasi sa ngayon marami ang naghihirap.

isama mo na rin ang pakiramdam o front mong feelings na mapagpanggap, mapagkunware at matapang. 

hango mula sa maraming tagpo blg.2

ang sulating ito ay gawa gawa lamang. ang anumang mga pangalan, mga karakter, lugar at pangyayari na nabanggit dito ay panay ang produkto ng imahinasyon ng may-akda. anumang pagkakahawig sa tunay na pangyayari, lugar o mga taong nakatira o patay na, ay lubos na hindi sinasadya.


ikalawang yugto: sirang plaka


sa panahong hindi nya kailangang lumipad ang diwa nya ay sya naman itong dumating. maaaring ito ang sagot sa kanya ng kanyang isip para libangin ang sarili at para ipagpaliban muna ang pagkabigong nasa harap nya. nakailang buzz na pala ang kaibigan nyang si ferdi bago nya namalayan ang mga mensahe sa kanya.
- tol gimik tayo.

kinuha nya ang cellphone at tinawagan nya ito.

minsan na nyang naikwento dito ang tungkol sa kanyang ivette. tahimik na nakinig si ferdi sa kanya habang
nilalahad nya ang istorya ng buhay nya at kung paano nya nakasalamuha si ivette. pero ilang beses na nga ba
nangyari ang ganitong tagpo? sa dami ay di na nya mabilang.

mabuting kaibigan si ferdi, may katagalan na rin nyang kilala si boyet. at sa loob ng panahong yun ay masasabi
nyang kilala nya ang kaibigan at alam nya ang pakiramdam ng pinagdaraanan nito.

"tara nga gimik na tayo"

"may ginagawa ako next time na lang" sagot ni boyet.

"tangna pare alam kong wala kang ginagawa at nagaantay ka na naman sa wala"

di kumikibo si boyet sa mga sinasabi ni ferdi.

"so ano nagbunga naman ba ang pagaantay mo?"

katahimikan.

"busy nga ako pre sa susunod na lang"

"tangna bumitaw ka na lang tol"


"di nga ako pwede kailangan ko pang ipasa mamaya na deadline nito" 
alam nya kung ano ang tinutukoy ni ferdi. pilit lang niyang nililihis ang sagot nya sa gustong pagusapan ni ferdi

isang diretsong sagot ang binitawan ni ferdi 
"tol ano bang ginagawa mo? di mo ba makitang walang patutunguhan yan?"


"matagal na kitang kilala e sa tingin mo worth it yang ginagawa mo?"
 

"pre magkakapera ako dito sa gimik wala. gagastos pa ko"
 

"sanay na sanay ka na dyan no?" 
hirit ni ferdi.

"ha?"

"no offense pre, pero wag ka ng umasa. wala talagang patutunguhan yang ginagawa mo." 

"tigilan mo na yang pagiging martyr mo" 

"wag ka ng umasa sa taong di ka naman mahal" 

naging sunod sunod at matatalim ang mga litanyang binitawan ng kaibigan. parang sinasaksak sya ng mga di makitang punyal sa dibdib nya. at di pa dun natapos si ferdi.

"pare maniwala ka di lang sya ang babae sa mundo madami pa dyan. tangna gusto mo ipahanap kita kay gigi?" 

"alam ko na yang pakiramdam kung pano magpakamartyr"
gustong humirit ni boyet sa huling sinabi ni ferdi, sa utak nya sya nakipagtalo at inisip na  
"mali ka, hindi mo alam kung ano yung nararamdaman ko. wala sa inyong nakakaalam kung ano talaga ang nararamdaman ko. kahit ako nga di ko maipaliwanag kung ano at pano ko nadarama to." bumalik sya sa paguusap ng nagwika ulit si ferdi.

" hanggang kelan mo balak dibdibin yan?" kaunting katahimikan at winika ni boyet na

"hanggang kaya ko pa."

"tangna ikaw na ang epitome ng katangahan

"hahaha gago"

idinaan na lang ni boyet sa tawa ang huling hirit ng kaibigan. isang pekeng halak. bago binababa  and tawag ng kaibigan at naputol ang usapan.

napaisip sya kung namaster na nga nya ang pagiging tanga. ang pagtanga-tangahan sa mga pagkakataong alam nya ang mga dapat gawin. ang pagtakip ng mata sa reyalidad at pagtakas sa malapantasyang mundo ng pag-ibig. ang pagsaalang alang ng kung anong meron sya para sa kanyang minamahal.

totoong bulag sa pagibig.

pinili nyang manahimik muna panandalian. ilang beses na ba nangyari ito?. makailang araw na rin simula ng
huli silang nagusap ni ivette, ngunit pagkalipas ng ilang araw na madaratnan nya sya at magkakausap sila kahit wala pang lima o sampung minuto ay para na syang nasa langit.andun ang normal na usapin at kamustahan tungkol sa nangyari sa araw nya? kung kumakain ba sya sa tamang oras? pero hindi nya direktang maitanong kung bakit sya nagiging mailap? wala syang lakas ng loob gawin ito. pakiramdam nya ay wala syang arapatang gawin ito. di nya pag aari si ivette. walang sino man ang pwedeng magmay-ari sa isang tao kundi ang kanilang sarili mismo. nais nyang ilugar ang sarili kung saan sya nararapat. iyon ang pilit nyang ikinokondisyon sa sarili.

Gusto nyang tanungin kung ano ba talaga ang kulang sa sarili nya? o sadya lang ba syang loser? lalo kasing nangingibabaw ang pakiramdam nyang wag bumitiw pag naaalala nya ito. hindi man malinaw kung ano ang meron sya para kay ivette at di rin maihalintulad ito sa isang relasyon ng tulad ng kay ferdi at gigi pero ayaw ni boyet na umayaw na syang talunan. alam nya na kapag bumitiw sya, para na rin nyang inamin na totoo nga syang talunan.

hindi rin maipaliwanag ni boyet na kapag naguusap sila ay talo lahat ng rason nya. na kahit anong mood nya, kung galit man o nanlulumo ay di umuubra kapag kausap nya si ivette. nahuhulog sya sa bawat  salitang binibitawan ni ivette at sa kung paano sya mag isip.

alam rin nya na mahina sya pagdating sa pagibig. na parang kinakailangan pa nya ng solidong bagay na ubod ng linaw para ipaliwanag sa kanya kung anong nararapat na emosyon ang dapat nyang maramdaman para maintindihan nya yun. ang pakiramdam na kailangan 3D pa ang paraan, isang napakakomplikadong paraan para lang sa napakaliit na bagay.

hindi rin nya maipaliwanag kung bakit nararamdaman nya ang sakit sa pagkakataong nangungulila sya kay ivette? na parang hindi na sya kabilang sa mundong ginagalawan ni ivette. unti-unti na nga bang nabubura ang existense nya sa buhay ni ivette?

"aaaaaaaaaaaaaaaaaaaarrrrrrrrrrrghhhhhhh!" 


nilamukos pa ni boyet ang mukha at sinabunutan ang buhok nya. hindi na nya maituloy ang pakikipagtalo sa sarili at sa kung anong nararamdaman nya kaya muli na lang syang humiga sa kama.

hindi nagtagal ay bumangon rin sya mula sa pagkakahiga at sumandal sa sulok. hindi pa rin nawawala sa isipan nya ang imahe ni ivette. makakausap pa kaya niya ito? sa mga nakakaalam kung nasan man sya ay wala syang makuhanang impormasyon o mapagtanungan man lang. kung meron man, walang gustong magsabi. walang gustong magbahagi ng impormasyon.

marami na syang naiisip patungkol rito. kulang na lang ay sumabog na ang bungo nya kakaisip. hindi na alam ni boyet ang gagawin. kaya inumpog na lang nya ang ulo nya sa pader na malapit sa kanya. makailang ulit rin nyang ginawa ang pagumpog ng ulo sa pader.



paulit ulit hanggang sa napagod sya at natulog na lamang.


*itutuloy*

hango mula sa maraming tagpo blg.1

ang sulating ito ay gawa gawa lamang. ang anumang mga pangalan, mga karakter, lugar at pangyayari na nabanggit dito ay panay ang produkto ng imahinasyon ng may-akda. anumang pagkakahawig sa tunay na pangyayari, lugar o mga taong nakatira o patay na, ay lubos na hindi sinasadya.

unang yugto: pagninilay

tahimik ang paligid pero nabibingi na sya sa kabog ng kanyang dibdib. nararamdaman na nya ulit ang pagbigat ng pakiramdam nya.dinadalaw na ulit siya ng pakiramdam na parang nauubusan ng hangin. hindi rin sya mapakali. kailangan ni boyet ng "distraction" at pilit nyang inkinokondisyon ang sarili. humablot siya ng isang libro mula sa estante. humiga sya sa kama at nagtangkang magbasa. mahigit isang oras na ang nakakalipas ngunit wala pa ring tumatatak sa isip nya. pinagpaliban nya ang pagbabasa at kumuha ng papel at kung ano mang panulat na una nyang mahawakan. nagsimula naman syang gumuhit. sa pagkakataong yoon ay wala pa ring pinagbago. bigo pa rin sya sa kanyang tangkang ibaling ang isip sa ibang gawain.

wala syang matapos sa mga nasimulan nya. at patindi pa rin ng patindi ang pagkabog ng dibdib nya. parang may nararamdaman syang galit sa dibdib nya. galit na di nya maipaliwanag. pakiramdam na hindi naman sa galit talaga. o sadyang di lang nya maipaliwanag kung saan ba talaga galing ang pakiramdam na ito.kung saan man ito nanggaling ay pilit niyang kinakalimutan. nagsimula na syang pagpawisan ng malamig. halos mamuti na ang kanyang kamao sa higpit ng pagkakasara nito. hindi rin nya alintanang nanginginig na ang kanyang kamay. ilang ulit nyang sinuntok ang pader na malapit sa kanya para manumbalik ang pakiramdam. ngunit bigo siya. walang epekto. di pa nya nararamdaman ang sakit na dulot ng huli nyang ginawa.

bumalik sya sa pagkakahiga at sinubukan ulit niyang pumikit at hinayaang maglakbay ang diwa nya kung saan man palarin.  ngunit kahit anong pilit niya ay bumabalik pa rin ang imahe ng kanyang minamahal. pilit man nyang ibahin ang iniisip. hanggat maaari ay ayaw niyang isipin ang kahit na ano na magpapaalala sa kanya patungkol kay ivette. subalit parang nanunuksong pilit ang kanyang diwa na paulit ulit syang kinukutya sa kanyang isipan ng mga bagay patungkol kay ivette.

naalala nya ang mga mata ng kanyang mahal, ang pinakapaborito nyang parte ng katawan ni ivette. ang mga matang nangungusap. ang mga matang nagbibigay liwanag sa kanya. ang mga matang  nagbibigay buhay sa mga araw nyang parang lugmok sa pagod, problema at kung ano-ano pa. ang mga mata ni ivette na nagbibigay laya sa kanya. ang mga matang nakakahumaling.  mga mata ni ivette.

may mga pagkakataon rin na parang sunod-sunuran sya sa mga naisin nya. mga pagkakataong nais nyang mas lalong mapalapit kay ivette. sa mga paraang minsan ay nakakalimot na sya sa sarili. mga panahong kung ano man ang naisin ay kanyang susundin at gagawin. may pagkakataong nasasaktan na rin nya ang sarili ngunit di nya ito iniinda, basta mapaligaya nya ang kanyang mahal. lahat ng sakit ay balewala. kung maaari lang isanla ang sarili o maging ang kaluluwa at buong pagkatao para lang sa ikaliligaya ni ivette ay gagawin nya. hindi rin maipaliwanag ni boyet kung bakit ganun katindi ang pagkahumaling nya sa dalaga.

minulat nya ang kanyang mga mata at sinulyapang uli ang litrato ni ivette sa kanyang cellphone. makailang ulit na rin syang nakipagtalo sa sarili na iwasan ang ganitong pagkakataon ngunit sadyang nahihirapan syang gawin ang bagay na ito. pinipigilan nyang wag na ulit magiwan ng mensahe para mangamusta at ipaalalang narito pa rin sya na handang tanggapin kung ano mang oras nya naising bumalik. di na rin mabilang ang pagkakataong nabigo sya at umaasang makakatanggap sya ng kasagutang hindi pa rin dumadating.

"ano na kaya ang ginagawa nya?"


muli na naman syang napaisip kahit na nais nyang wag munang mag-alala at hayaan na lamang munang ito. pero hindi ganun ang nangyari.

nagbukas na lang sya ng computer. nagbakasakali uling merong sagot sa kanyang mga unang tanong at pangangamusta. kahit na napakalaking tsansang wala syang mababasa, umasa pa rin sya. at hindi nga sya pumalya. tama ang hula nya..



wala ngang mensahe galing sa kanya.


*itutuloy*