hindi ko alam kung paano nagsimula basta naalala ko na lang na kumakain tayo.
di ko alam kung bakit parating may pagkain sa panaginip ko lately. siguro dahil di ako kumain ng dinner kagabi pero ewan ko na lang rin. balik sa eksena. nakatalikod ka sakin, may kinukwento ka ata o binabasang libro o kung ano tapos lumapit ako tapos niyakap kita. hindi ko alam kung epekto yun ng unan na akap akap ko nang pagtulog ko pero para sa akin ramdam na ramdam ko ang bawat kurba ng katawan mo at ang halimuyak ng pabango mo.
binalot ko ang katawan mo ng mga bisig ko, akala ko magagalit ka nung maramdaman kong yung kamay mo e pinatong mo sa kamay ko. inakala kong aalisin mo ang kamay ko, pero nagulat ako sa susunod na ganap. hinigpitan mo ang hawak mo sa kamay ko at para bang sinecure mo ang kamay mo sa kamay ko at parang pinahigpitan pa ang kapit ko sayo.
napahalik ako sa balikat mo at sinabing "dyan ka lang. gusto ko andyan ka lang parati..
...para sa akin."
sa pagpikit ko e ang huling nakita ko e ang ngiti mula sa labi mo at parang may sasabihin ka sana kaso bigla akong nagising.
siguro ang sinabi mo sakin e para sa susunod na panaginip ko pa malalaman.
sa ngayon kailangan ko munang gumising...
"gising na..
gising na."
panaginip lang
Labels: abangan , dreamgirl , letters to you , panaginip , sa kanya , short story , yun lang
para sa akin
hindi nga siguro lahat e para sa iyo. kung sa akin man e magpapasalamat ako ng lubusan, kung hindi naman e siguro oras na para idaan na lang sa ngiti ang lahat. nakakapagod ng makipagpunong braso sa mga tinginingining na feelings na yan. nakakapanlumo lang rin kasi na hindi mo maiwasang magexpect ng kung ano out of something gaya ng may pinapakita syang mga bagay na ikinatutuwa mo o sadyang nagiging attached ka lang rin siguro. kakupalan lang sa mga hindot na di umaamin na kahit papaano hindi sila kinikilig kapag may pasimpleng hi o ngitian lang sya ng crush nya. sa mga bagong tuklas patungkol sa mga taong bago mo pa lang nakakasalamuha e parang nakakagimbal man pero parte rin yun ng proseso e. hindi naman pwedeng ipilit mo sa sarili mo at sa kanila yung mga ideals mo sa kanila. masyado ka namang sakim nun.
tsaka mas ok na rin siguro na tanggap mo sya sa kung ano/sino ang kabuuan nya. hindi yung parang ilang parte lang nya yung gusto mo. kasi lahat e nagdadaan sa pagbabago. kaya ipoproseso mo pa yun. minsan kasi kailangan mo ring gumamit ng utak. hindi puro puso lang.
nakakalungkot lang kasi masyado na atang moderno ng panahon na hindi na ako makasabay sa kung ano mang nangyayari. kung ano man yung cool o acceptable sa iba e parang di pa ring katanggap tanggap para sa akin. siguro nagiging grumpy na ako o sadya lang judgmental o baka nasasama lang sila sa pagiging stereotypical ko. ewan ko. minsan kasi di ko rin maintindihan talaga. kailangan mo lang sigurong tanggapin na hindi lahat at para sayo. kaya kung kanino mo man ibabahagi yang feelings mo, good luck .:)
kasi sa ngayon marami ang naghihirap.
isama mo na rin ang pakiramdam o front mong feelings na mapagpanggap, mapagkunware at matapang.
smokey mountain - pier - divisoria
alam ko namang aalis kami pero di ko naman inexpect na maaga pala. mga alas tres ng madaling araw ako nakatulog kasi may binabasa ako (hindi related sa studies whatsoever) so mabalik lang.
habang nasa byahe papuntang pier parang tour guide si tatay. "o dyan banda ninong jimmy ni (insert kapatid's name)" "ay mali dun pala banda lagpas na" , mayron ring "dun sa tabi ng dating petron na ngayon e ibang gasolinahan na yung restaurant na nagseserve ng pansit na paborito ng mommy mo." "dyan dati nakatira sila mommy mo, binenta yung bahay nila dun para mabili yung bahay sa ***** verde." "dito ako dati pumipila nung nagta-tricycle pa ako.."
maraming ala-ala. estranghero man sa akin pero nakikinig pa rin ako. kahit di ko masyadong maintindihan kasi maingay yung takbo ng jeep at marami ring maingay na katabi. (tinatanggal ko naman ang headphones ko kapag kinakausap ako ng tatay ko pramis). tapos nung may nakikita na akong mga parang daungan. humirit si tatay na malapit na daw kami sa pier. nalampasan na namin yung bagsakan ng mga isda na nagsusupply ng mga isda sa buong maynila sabi nya. tapos kaunting sulong ng jeep naamoy ko na yung halimuyak ng smokey mountain. napaka cliche siguro kung biglang tutugtog sa radio yung "paraiso" ng smokey mountain sa radio, kaso nga lang sa isip ko lang sya nagplay.
nung andun na kami sa pier, mahigit dalawang oras kaming naghihintay. wala pa pala yung kausap nya. nung dumating e hindi pa daw naibababa yung kargada mula sa barko kasi may inaantay pang signatory de juan na hindi pa rin nagpapakita simula kahapon. so ang siste, nagpunta na muna kami sa divisoria para bilhin yung kailangan kong sapatos.
isa sa mga natawa akong paguusap namin ng tatay ko ay nung may naikwento syang nangyari sa kanila nung nanay ko nung minsang naglalakad sila sa divisoria. bigla daw kasing may bumatok sa nanay ko. tapos nun just like magic nawala rin yung kwintas na suot nya! habang humahagulgol daw yung nanay ko e pinuntahan daw nila yung pamangkin ng tatay ko na pulis na dun nakadestino. pagtapos daw magsumbong may pinuntahang tomboy yung pulis. binatukan rin. "pati ang tiya ko tinalo" sabi daw ng pulis, tapos ayun naibalik yung kwintas ng nanay ko.
inabutan na kami ng ala una dun sa divisoria kaya kumain muna kami saglit tapos naglibot libot. nung pabalik na kami ulit sa pier ay inabutan kami ng ulan. ang saya lang. basang basa kami ng tatay ko kahit may payong kaming dala. hindi rin kinaya. buti na lang at waterproof ang bag na dala ko kaya dun ko nilagay yung cellphone ko at hindi nasira. yey.
at nakauwi kami ng mga bandang alas otso. kasi trapik.
Labels: yun lang
sing song saknong
sing
hawakan ang mikropono
siguraduhing nasa tono
kapag nagsimula na ang tugtog
pilitin ang tuhod na wag mangatog
song
sa pagpili ng kantang iyong ibibida
humanap ng may nakakapukaw na linya
huwag yung mga pinasikat ng mga artista
na wala namang talento sa pagkanta
saknong
hindi naman kinakailangang apat na linya
ang iba'y paiba-iba at sadyang malaya
sa iba'y parang kulang na sinadya
nagkamali siguro ng bilang o tantiya
kahit maputi na ang buhok ko
iniisip ko kung bubuhayin ko pa tong blog kong natutulog. marami na akong naisulat. pero nasa drafts pa rin. kahit na tapos na. ayoko naman ipublish. siguro ito yung magsisilbing diary ko kung sakaling may mangyari saking masama. (wag naman sana) pero minsan dumadating ako sa puntong napaparanoid ako.
o matagal na akong ganito, at mas lumulutang lang ang katigasan ng ulo ko sa pagcontradict sa mga dapat na ginagawa ko. sa tagal ng panahong lumipas simula ng magkanda gulo gulo ang buhay kong wala pa rin sa ayos e nasanay na ako. o sadya lang talagang nagiging manhid na ako at tuluyan ng maging indifferent sa mga pangyayari sa paligid ko.
pero bakit "kahit maputi na ang buhok ko" ang naisulat kong pamagat nito? napangiti na lang ako sapagkat may nakalaan talagang sulatin tong entry na to, pero sa di ko maipaliwanag na dahilan e ipagpapaliban ko na lang yun at sasarilinin.. pero baka hindi rin. bahala na.
napag isip isip ko rin kasing maging ~*art*~ dump na lang tong blog ko. pero andun na yung tumblr ko para dun. gusto ko rin sanang maging mas maayos na. for a change. pero mukhang matatagalan bago mangyari yun. kasi malamang sa malamang icocontradict ko ulit yung mga iniisip ko. nakakalungkot lang.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
trust issues :
may kinuha akong personality test mga ilang linggo nang nakalipas. naging madali naman para sakin yun. dahil di naman kailangang magreview para sa IQ test.pero dun sa personality test ata ako nadale. sabi nung nagcheck ng test ko. wala daw akong tiwala sa tao. sinundan pa nga niya ng tanong kung may "nanloko" na ba sakin o "nangiwan" at kung ano ano pang tanong na related sa pagkawala ng tiwala ko sa tao. di ko ata sya sinagot sa tanong nayun at bagkus e sinuklian lamang sya ng isang ngiti. pero simula ng mga oras na yun nagsimula na akong maisipisip ulit. ang nakakatoreteng pagiisip kung tama nga ba yun? wala na ba akong tiwala sa tao? na parang lahat ng gagawin nila e pinagdududahan ko sa isang banda kahit na hindi naman talaga. siguro subconsciously may pagdududa talaga. kung sasagutin ko kung may nanloko at nang-iwan na ba sa akin e palagay ko naman sakto lang kung sasabihin kong meron na.
ang masaklap lang e, yung mga tao pang yun ay ilan sa mga taong halos pinagbuhusan ko ng utmost attention and affection. ilan dun e may kinalaman sa mga naunsyaming pagibig. o kung di man naunsyami e pagibig na kelan man e di mangyayari. at sa ibang banda naman e mga taong lubos ang tiwalang ibinigay na sadya namang pinaglaruan ka ng tadhana at binalewala lang nila at iniwan ka na lang ng walang pasabi sa isang tabi.
tapos naman na ang nangyari. di ko na siguro kailangan pang ihingi ng paliwanag kung bakit nila nagawa. siguro naging obvious na rin para sa kanila na dapat alam ko na kung bakit nila yun ginawa. ang malungkot lang e di naman ako yung tipo ng taong nakadepende sa mga signos ng pagkakabigo at paglisan. kahit siguro ilang ulit ka pang magpakita ng kung ano anong signs na yan kung di mo rin naman ako didiretsuhin e wala rin. di ko rin yan iintindihin. magtatanong lag ako ng magtatanong pero wala rin naman akong makukuhang sagot.
kasi komplikado kamo.
kasi...
kasi..
kasi.
darating rin siguro ang panahon na malilinawagan ako sa lahat lahat.kailan man yun ewan ko na lang. di ko naman masabing natuto na ko sa mga nagawa ko. sa mga pangyayaring may dulot na aral para sakin. sa mga pampapalubag loob na naririnig ko sa iba. sa mga salitang nagboboost (di tulad ng boost sa plurk) ng self esteem ko na dapat iniintindi ko pero ewan ko. ayaw ko na lang sigurong pagbigyan ng puwang ang mga yun. kasi mas nanaisin kong sa inyo mismo manggaling yun. di ko nga lang alam kung matatanggap ko pa yun.
sa mga nakakaintindi ng mga nakasulat dito. di naman to likhang fiction. di rin to talambuhay. at mas lalong di rin to hango sa kwento ng komiks o ng xerex o ng roma amor maging ng paborito mong author. kung pinag ubusan mo ng oras basahin ito. malamang wala kang maiintindihan dito. lalo na kung di mo naman ako kilala.
pero wala ka ng choice. umabot ka na dito e. wala ka namang mapapala.
=========================================================================
pahabol:
masarap rin ang minsang nabubuhos mo kung ano ang saloobin mo sa isang tao. mabuti man o hindi. nakakagaan rin kasi ng dinadala. sa tingin ko kasi isa ako sa mga taong mapagtanim ng saloobin. mas pananatiliin kong akin na lamang yun kaysa makasakit ako ng ibang tao o masaktan ko ang sarili ko. minsan kailangan mong sumugal. pero di naman kailangan itaya mo ang lahat lahat ng pag aari mo para lang sa isang bagay na wala rin namang kasiguraduhan. inaamin kong naaalala pa rin kita sa mga oras na nalulungkot ako. sa mga gabing di makatulog at pinapakinggan ko ang ilang tunog na galing mismo sa yo. sa pagkanta sa mga liriko ng musikang nagbibigay sa akin ng ngiti. at sa tunog na nagpapatahan ng aking balisang damdamin. gusto kong itanong kung kamusta ka na? kung ano na ang pinagkakaabalahan mo? naaalala mo ba ako kahit paminsan minsan? at kung alam mo pa bang buhay pa ako?
recording 09
*di na ako marunong magedit ng audio. :|
Labels: letters to you , note to self , yun lang
unang buslo kabyos, ikalawang buslo sablay!
ilang segundo na lang ang nalalabi. tabla ang parehong koponan. at pinakaimportanteng tira sa buong laro ay nakasalalay sa mga mangyayaring kasunod.
dribol
dribol
buntong hininga habang inaalala at isinasantabi yung mg asungot na katunggali na nasa kaliwa, kanan at nasa likuran ng ring. iblanko ang isipan. panatilihing nakatutok ang imahe ng ring na unti unting lumalaki para mas madaling maipasok ang bolang kanina mo pa dinidribol.
dribol ulit..
sa kabila ng ingay at panggugulo ng iba ay di nagpapaapekto. siguro ay handa ka ng bitawan ang at pakawalan ang unang buslo. tinantya. inispat mabuti. pagkahagis napansing mayroong mali. kung nakaslowmo ang kuha mula sa ibat ibang anggulo. mapapansin agad kung ano ang pagkukulang.
diretso naman ang pagbitiw, nakaayos ang porma ng kamay, kinulang lamang sa lakas.
kabyos.
nakakabinging tawanan ang sumunod. natabunan ang inis ng ingay ng mga nasa paligid. parang nanlambot ang tuhod sa pagkakamaling nagawa. sa kabila nuon e nilapitan ka ng mga kakampi. tinapik sa balikat. "ok lang yan may kasunod pa naman" muling kinalma ang sarili. inantay iabot ang bola. ikalawang pagkakataon na ito.
nanginginig ang kamay. kabado. nanlalamig ang mga pawis na tumutulo sa gilid ng mukha. tuyo ang lalumunan. tiniis ang sakit sa paglunok ng laway. pumikit. pagmulat ng mata'y walang pag-agam agam na binigay ang ikalawang buslo.
pinagmasdan ang bolang umiikot sa himpapawid..
ang bolang ng pag-asang mag-uuwi ng tagumpay..
ang siyang magbibigay ng buhay sa koponan niyong nalulumbay..
subalit sumablay.
ayun patay.
Labels: short story , yun lang
alay
patungo sa iyo, ako'y naglakbay
sa mga susunod na araw pang darating
pag ihip ng apoy sa kandilang hindi dapat sinindihan
akala mo siguro nakalimot na ako, sa bawat araw na nagdaraan na hindi kita naaalala, sa bawat taong nakakasalamuha ko na hindi kita naikukwento man lang. siguro sa mga oras na ito kinamumuhian mo na ako. di naman kita masisi kung ganun man ang pakiramdam mo. may mga pagkukulang rin naman ako sa iyo. aminado ako sa mga yun. nangyari na ang mga nangyari. parte na iyon na ng nakaraan natin, parte ng aking pagkatao, at kung nasan ka man ngayon.
hindi siguro sapat kung sabihin ko mang patawad ng paulit ulit, malamang hindi mo na mararamdaman ang sinseridad ng mga salitang ito lalo pa't ngayong wala ka na. kung isang malaking dagok ang nangyayari sa akin ngayon dahil sa ginawa ko ay tatanggapin ko,o malamang ay hinaharap ko na sya sa bawat araw na nagdaraan. kung kinakailangan pa akong parusahan, bigyan mo man lang ako ng signos kung paano ko maisasakatuparan ang iyong nais. kung hindi pa sapat ang pagkapaso ng aking sarili sa pagtangkang hipan ang liwanag na nagsisilbing buhay mo. sa pagkadama ng init ng bawat mainit na patak na ikinukumpara mo sa mga luhang iniiyak mo. bawat luhang ipinatak ay may kasunod na daliring napapaso na nagpupumilit pawiin ang sakripisyong ginagawa mo.
sa sandaling panahon ng ating pagsasama, at kung sakaling magkakaharap man tayong muli, personal kong ihihingi ng kapatawaran ang mga salang nagawa ko. hiling ko sana'y nasa puso mo pa na tanggapin ako sa likod ng lahat ng aking pagkukulang at sa pag-ihip ng apoy na nasa dulo ng nasusunog na pisi na nagkokonekta ng buhay mo na nakasalalay sa aking kamay.
Labels: note to self , shit , yun lang
bangungot o panaginip lang
narasan mo na bang managinip? malamang oo.. ang gago naman ng tanong na to. syempre batid din dito sa tanong na to kung natatandaan mo ba ang huling napanaginipan mo. dun malamang magkakatalo talo ang sagot ng kung sino man ang makakabasa nito. bakit ko nga ba naisip to? may koneksyon ba to sa nangyari sakin? aba malay mo, malay ko rin. pero oo nanaginip ako kagabi o mas tama ata kung kanikanina lang dahil gising ako kagabi at natulog ako ng madaling araw na.
so may pake ka ba sa panaginip ko? malamang wala so wag mo na lang ituloy ang pagbasa para di sayang oras mo. ang mga detalye ng naaalala ko sa panaginip ko e ganito.
sa di ko mawaring pagtalon talon ng ideya sa isip ko napunta ako sa isang lugar na kung saan may tinatahak akong daan. kung ano man meron dun di ko alam. pero kasama ko si ramon bautista. sa di ko rin maintindihang dahilan e nakikitext sya sa akin. kasi daw lowbat ang cellphone nya. sabi ko naman wala akong load. so parehas kaming naglalakad at kinukwento nya ang mga karanasan nya sa pagtuturo at pagiging parte nya ng strangebrew.
di naglaon e natumbok ng daan ang isang panaderya. kadalasan sa ganitong pagkakataon e may sideline ang mga panaderya. parang minigrocery ang mga ito at paminsan minsan may loading station rin para sa mga gumagamit ng cellphone.
nagulat na lang ako ng biglang nawala sa tabi ko si ramon. pagbaling ko ng tingin sa panaderya e kausap na nya yung tindera tungkol sa load at sa panderegla at putok. nakataas pa ang kanyang kwelyo at parating nakapose pag nagtatanong.
biglang nagpalit ang buong pangyayari sa isang iglap. naguguluhan man ako pero alam ko ang ginagawa ko. at may ginugulpi akong tao sa harapan ko. tuloy tuloy ang pagsapak ko sa mukha nya. napansin ko ring nakauniporme sya. tumigil ako sa pagsuntok at pag lingon ko nagsisilayuan ang mga nakapalibot samin. umalis ako na parang wala lang. tumutulo ang dugo sa kamao ko pero parang wala ako sa katinuan ko sa nangyayari. pumunta ako sa banyo. binuksan ko ang gripo at naghugas ng kamay at naghilamos na rin. di ko napansin andun pala si adrian. naninigarilyo. alam ko sa totoong buhay di naninigarilyo yun pero sa panaginip ko naninigarilyo sya. ah oo nga pala tumatae sya ng mga oras na yun nakabukas ang pinto ng cubicle. natatakpan ng amoy ng usok ng sigarilyo ang amoy ng ebak nya. may napagusapan kami tungkol sa walang katapusang alitan ng dalawang gusali na magkatapat. parehas naman daw puro studyante ang andun pero nagkandaletse letse lang daw ng nagrambol ang mga studyante. dati rati daw e nakabukod ang mga sutil sa mga matatalino. kaya naging dalawa ang gusali para ibukod ang dalawa. pero may mga pumasok sa kabilang gusali. napaaway kasi sila'y naiiba. di ko naintindihan ang mga sinasabi ni adrian. nakasalubong namin sa paglabas ng banyo si orang. as usual may dala dala syang camera. kinuhanan daw nya yung nangyari kanina. tapos hinanap na namin si tomas. babalikan pa kasi namin yung mga lumapatangan sa kakilala naming si tisay, yun ang sabi ni adrian. susugod daw kami sa kabilang kampo. napakamot ako ng ulo sa mga panahong yun at sinabi kong dumiretso na lang kami kasi malamang andun na si tomas. tama nga ang hinala ko at naroon na nga si tomas nauna ng kumilos dinig sa sigaw na galit na galit siya. ewan ko kung anong puno't dulo ng mga nangyari at kung bakit kailangan naming maghiganti.
natapos ang lahat ng ito ng bigla akong magising. di ko alam kung ano ang koneksyon ng lahat ng ito sa mangyayari ngayon o kinabukasan.
sa palagay nyo kung matutulog ba kong muli may part two pa ba ng mga napanaginipan ko?
makakapagpaload na ba si ramon bautista? ilan kaya ang nagulpi ni tomas? at naging maganda kaya ang mga kuha ni orang? bangungot ba itong maituturing o isang panaginip lang?
at higit sa lahat..
naghugas ba ng kamay si adrian?
Labels: abangan , bloodytom , fitsmangofai , johnlloy , panaginip , ramon bautista , yun lang
choco-yey
nagpunta ako kila aling vicky. inutusan kasi akong bumili ng uulamin naming sardinas at tatlong beef noodles para sa araw na iyon. pumayag akong lumabas ng bahay kahit na abala ako sa paglalaro pero andun ang magic words na "sa iyo na ang sukli" hindi na ko nag-atubili wala pang ilang saglit kumaripas na ko at lumabas ng bahay para magtanong kung meron ng bibilhin ko sa tindahan. pagdating ko dun napa wow ako may bagong binebentang candy. matamis sya sabi ni aling vicky. ito rin daw ang pinakabago at pinagmamalaki ng isang kilalang kompanyang taga gawa ng candy. maganda ang baluti nya. napukaw ang mata ko sa pagtitig. o ano pa nga bang panunukso ng tadhana at biglang tumunog ang jingle ng commercial ng candy sa tv at binibidahan pa ng kilalang childstar na tagaendorso ng candy. mukhang masarap nga sya. halata sa itsura ng tagaendorso ng candy na nasasarapan sya at nageenjoy sa pagkain nito. napapaisip na ko sa mga oras na ito.biglang pumasok ang mabilis na computation ng mga bibilhin ko at kung magiging magkano ang sukling pwede kong pambili ng candy. "ayos" sabi ulit ng isip ko kakasya pa sa 1 candy ang makukuha ko. medyo may kamahalan sya kaya 1 lang muna ang pwedeng bilhin. napatitig ako ng matagal sa candy. parang napunta ako sa kung ano mang lugar na naisip ko nun lang. bigla akong nalagay sa imahe na kasama ko ang candy at ako lamang ang meron nun sa simula nang biglang may dumaang kalaro ko hawak hawak rin nya yung candy na inakala ko na ako lang ang meron. nasundan pa yun ng ibang kalaro ko na hawak rin at ninanamnam ang candy. para akong nanlumo. pero hindi panlalaban ko sa naisip ko. meron rin akong candy di ako dapat malungkot. pero biglang naglaho ang mga panaginip ng may naalalang importanteng bagay.
Labels: yun lang
nagugulumihanan
di mapakali
walang masisi
di naman malaman
kung bakit naguguluhan
kelangan ba sumulong?
sawa na sa pag-urong
maingay rin ang ugong
alam mo ba ang binubulong?
asan na napunta ang diwa?
kanina lamang ay nariyan
di ka man lang naawa?
bigla mo na lang pinabayaan
di ko rin mawari
kung anong nangyayari
isip ay litong lito
wala namang nanggugulo
saan nga ba to patungo?
ba't di pa rin natututo?
hindi kasi sumunod sa panuto
kaya tuloy nagkakaganito
Labels: note to self , random , yun lang
hiwaga ng "yun lang"
eksena *insert lugar na angkop sa sitwasyon*
tauhan1: "pre' namimiss ko *insert name of special someone*"
tauhan2: oh, bakit di mo kausapin?
tauhan1: di ko rin kasi alam e. wala rin akong balita sa kanya
tauhan2: eh puntahan mo na lang kaya? di mo itext or email? tawagan na lang kaya? madami namang paraan dyan
tauhan1: malabong maitext. sa email? nakapagsend na ako. wala pang sagot e. tawag? kamusta naman san ko sya tatawagan di ko alam ang number nya dun.
tauhan2: sus puntahan mo na lang para mawala mga agam-agam mo
tauhan1: gustong gusto kong pumunta... di pa nga lang pwede sa ngayon. nasa malayong lugar e. maraming kailangang gawin para makapunta dun, sa ngayon imposible pa ata yun..
tauhan2: sus naman nasan ba sya?
tauhan1: ibang bansa pre. alam mo naman ang estado ko ngayon di ba?
tauhan2: yun lang.
sa mga pagkakataon na kailangan mo nga mairarason o maihihirit ngunit parang naisip mo na parang pang checkmate ang huling statement ng kausap mo ay mauuwi ka sa pagbitiw ng salitang "yun lang"
pero "yun" na lang nga ba ang tamang paraan o tamang isagot? hindi ba maaaring mas malawak pa dito ang maibigay mong opinion mo? maraming saklaw ang "yun" na pwede mong itukoy. depende sa tao, tama ba? maaaring sumasang ayon ka sa dahilan ng kausap mo, pero sa isang banda e parang may gusto ka pa ring sabihin pero napagtanto mo na sarilinin na lang to. maaari ring parang nadisappoint ka sa rason o sinabi ng kausap mo. kung titignan na parang wala na ngang magagawa at ganyan ang sitwasyon. wala na kong maitutulong o kaya naman e wala talaga syang pakialam sa sinasabi mo.
malabo? oo hanggang ngayon di ko pa rin talaga mahanap ang magandang paliwanag o rason para sa sagot na "yun lang"
kaya sa ngayon magpapakaliwaliw na lang ako sa usok ng pagkabigo.baka sakaling mahanap ang kasagutan sa pamamagitan ng panlilinlang sa sarili gamit ang mga matatamis na pangakong kaya kong bitawan ngunit di agad maisasakatuparan. pait ng tadhana. konting rekados na lang pwede ng kanin baboy.
yun lang.
Labels: yun lang