hango mula sa maraming tagpo blg.3


ang sulating ito ay gawa gawa lamang. ang anumang mga pangalan, mga karakter, lugar at pangyayari na nabanggit dito ay panay ang produkto ng imahinasyon ng may-akda. anumang pagkakahawig sa tunay na pangyayari, lugar o mga taong nakatira o patay na, ay lubos na hindi sinasadya.



ikatlong yugto: tuso


Nagpapakatanga lang ba talaga si Boyet? Bakit di nya maipaliwanag sa sarili ang mga nangyayari? Parang walang payo o rason na tumatatak sa isip nya. Ilang beses man syang kinukumbinsi ukol sa mga bagay na pinoproblema nya ngayon pero wala pa rin. Ilalaan na lang nya ang tiwala na ang lahat ng bagay ay magbibigay linaw sa takdang panahon.

Sa kabilang dako, ilang oras na ring naiwang nag aantay si Gigi. Halos mangalahati na pagkakaubos ng sigarilyong kanyang hawak hawak ngunit di pa nya nahihithit. Hindi rin alintala na nakakarami na syang nasindihang yosi. Mahigit kalahati na ang laman ng kaha ng yosi ang kanyang naubos. Halos matulala at iniisip nya kung nasaan ang kanyang pinsang si Annie.

Alam nya kung ano ang ginagawa ni Annie sa mga oras na ito. Madalas na rin nilang napagtatalunan ang tungkol dito. Parang nagsawa na rin sya paulit ulit na sinasabi nya para mapagtakpan si Annie kapag tinatanong sya ng kanyang tiya. At sa mapagbirong tadhana ay parang nadagdagan pa ang kanyang pagiisip ng kausapin sya ni Ferdi tungkol sa nangyayari kay Boyet.

Sa totoo lang ay pagod na rin sya sa pagbibigay ng payo kay Boyet. May pagkakataon na rin na halos magdamagan na nilang kinukumbinsi ng kanyang kasintahang si Ferdi si Boyet na bumitiw na pero kahit anong pilit di pa rin nila makumbinsi ito.  Kung mamumuti man ang uwak sa pag-aantay nilang mabago ang isip ni Boyet sa tangka nilang pagkumbinsi ay napakalabong mangyari.

Nakikita nila ang sitwasyon ni Boyet. At para kay Gigi, hindi na awa ang nararamdaman nya para kay Boyet sa ngayon kung hindi pagkainis. Hindi na nya makuhang maawa kay Boyet pagkat nakikita naman nyang alam ni Boyet ang ginagawa nya. Alam ni Boyet  ang nangyayari sa kanyang paligid pero mas pinipili pa nyang magpaka bulag, pipi at bingi sa katangahan.  Inilihis na lamang nya ang pagiisip sa problema ni Boyet at binalik ang atensyon sa kanyang pinsang si Annie.

Kung  dati rati ay galit sya kapag ginagawa ni Annie ang mga bagay na kinasusuklaman nya ngayon ay parang napalitan na ito ng paghanga. Sa paraang unti-unti syang minumulat ni Annie sa mga ideyang takot syang subukan. Sa mga pagkakataong nagsasalita si Annie at napapakinggan nya ito ay parang naGiging proud sya sa kanyang pagiging pagkababae.

Na hindi sa lahat ng oras babae ang talo sa laro, minsan inaakala mo lang yun pero sa totoo, babae ang nagwawagi. Di sila ang madalas na biktima. Bagkus sila ay hindi tanga pagdating sa laro sa kama. Sa ideyang pinapamulat ni Annie sa pinsan nya, babae ang bida.

Simple lang kasi si Gigi. Kung ikukumpara kay Annie sa pananamit o sa kilos man. Mahinhin si Gigi at kung manamit ay simple lang rin. Simpleng blouse na tineternohan nya ng maong na pantaloon at palagi syang naka pony tail. Sa kabilang dako naman ay si Annie, walang takot si Annie. Palaban. Matalino at kung manamit ay aakalain mong isang mayaman. Sexy kung manamit si Annie, hilig nya ang magsuot ng mga mini skirt na parati nyang binabagayan ng mga stiletto. Mas naipapakita ang hubog ng katawan ni Annie kapag ganyan ang suot nya at nadadala naman nya ang damit nya ng hindi sya mapagkakamalang bastusin o pakawala. Hindi naman nakikita ang hubog ng katawan ni Gigi sapagkat sya ay parating naka closed-neck na blouse. Kapag nakikita si Gigi ni Annie ay hindi sya nakakaligtas sa pambabatikos nito sa pananamit. Hindi raw sya isang ehemplo ng babaeng conservative kung hindi isang babaeng mapagpanggap.

 Sapagkat ayaw nyang pagbigyan ng laya ang kanyang pakiramdam na sexual.  Dahilan ni Annie na tinatago ni Gigi ang kanyang alindog sa mga taong tumitingin. Pinipigil nya ang mga urge nyang mang-akit.

Sa isang banda kapag nililitanyahan na siya ni Annie ng ganito patungkol sa libog ng kanyang katawan ay lihim na naaarouse sya. Nabubuhay ang kanyang pagkababae sa ideyang binibigay ni Annie na malibog ang katawang tao natin sa mundo, at nasa kanila lamang kung paano nila isisimbulat sa sarili ang kalibugan ng katawan nila.

Labag man sa kalooban nya pero aminado rin naman syang may punto ang sinasabi ni Annie. Nasa tao mismo kung paano nila ipapaalala ang kanilang kamalayan sa masidhing tawag ng laman. Minsan na rin nyang binusisi kung bakit nakakayanan ni Annie na manlalake habang nasa isang relasyon pa sya, iba kasi ang iniisip ni Gigi. Para sa kanya ang lahat ng mga nasa relasyon ay pinapangarap nila na sa sila na ang magkakatuluyan balang araw.

Tinawanan lang sya ni Annie sa pagkakasabi nya dito. Isang tawang pang kontrabida. At sinagot ang tanong nya

“wala namang problema samin ng boyfriend ko sa ngayon. Kung possible ngang magmahal ang isang tao na higit sa sarili nya e masasabi ko ngang mahal nya ako. Pero sa tagal na namin e masyado na akong at ease sa kanya. Tumaas na yung comfort level naming sa isa’t isa na parang kaya ko ng ipredict kung ano ang mga susunod na mangyayari sa kilos nya at sasabihin. Wala na tuloy excitement”

Di masyadong maintindihan ni Gigi ang mga sinasabi ni Annie. Bakas ito sa mukha nya ang agam-agam kaya tinuloy ni Annie ang sinasabi nya.

“wala ng excitement sexually. I mean, active naman ang sex life namin pero habang tumatagal e parang kabisado ko na sya. Alam ko na kung san sya hahalikan para mapaungol ng matindi o kung saan ko ilalagay ang kamay ko para may gawin akong ikatutuwa nya. Sa ganyang dahilan e parang nakukulangan na ko. Feeling ko may kulang na samin.”

“so jinujustify mo lang ang kagagahan mo para masatisfy ang sexual urges mo? Para sa sexual  gratifications mo? Ganun?”

“Loka! Ganito kasi yun, alisin mo muna sa isip mo na ako ang topic natin at gawin nating buhay ng tao as a whole ang paguusapan natin ok?”

“ano sa palagay mo ang pwedeng gawin ng tao para maging worth while at memorable ang pananatili nya sa mundo?” tanong ni Annie.

“simple lang, makatapos ng pag aaral, magkatrabaho at magkaron ng maayos na pamilya at magka-anak syempre. Tapos maging successful ka sa career mo, then mayaman na ko.”

“ano naman ang mangyayari pagnamatay ka?”
tanong ni Annie kay Gigi.

“mamatay akong fulfilled. Na alam kong mamatay akong naging makabuluhan ang buhay ko habang nabubuhay ako sa mundo.”

“AMEN!! Palakpakan!!”

Pangaalaska ni Annie kay Gigi.

“Gigi alam mo namang lahat ng tao ay ipinapanganak na nakaprograma na ang gagawin nila biologically di ba? Logically ginagawa natin yan. Dapat ganito yan  o ganito ang paraan  naman ng isa. Pano naman ang aspetong pilosopikal? Sa lahat ng nararamdaman o gagawin ng tao dumadaan lahat yan sa utak tapos gagamitan mo ng logic para iset aside kung tama ba o mali yung mga yun.”

“hello Annie, logic rin ang gamit ng tao para magkaroon ng philosophical reasoning”

“ang logic my dear ay bunga ng mga sama samang idea ng pagbabawal sa aspeto ng social, religious at tradition ng tao. Halimbawa na lang ang pakikipag sex ng walang kasal ay mali dahil yun ang sabi ng simbahan. Logic yon. Sa pilosopiya naman ng tao, nabubuo yan kapag kinakailangan nyang pangatwiranan ang mga ginagawa nya sa mga restrictions na sinet aside ng social traditional o maging religious aspect ng tao.“


“so sinasabi mong tama o mali man ang gawin ng tao ay nasa tao mismo yun basta kaya nyang panindigan kung tama man o mali yun?

“hindi. Ang pilosopiya ay yung paano laging magiging tama ang ginagawa ng tao. Di ba ang sarili rin naman ang magpapasya kung ano ang makakabuti par a sa kanya tama?”

“ so saan naman pumapasok ang mga panlalake mo dyan?”


Tumawa ulit si Annie na parang nakakaloko. Ang halakhak na alam mong totoo at nakikita pa ang dimples nya.

“ang pinakamataas na antas ng pilosopiyang kayang abutin ng tao ay ang pagiging sexual. Bakit kamo? Kasi ito yung pinakabawal gawin sa kadahilanang di mo sya pwedeng ipaalam sa ibang tao ng bulgaran. Nakikita na yung pinakamakabuluhang moment ng tao ay kapag nag orgasm na sya sa habang may kasex o nasa isang sexual setting.”

“err..”

“iyon na nga yun.”

“ang alin?”

“pag nagoorgasm ang tao nagkakaron ng pinakamataas na antas ng pagiisip ang isang tao. Sa orgasm, sa libog, sa paraan ng pagiging sexual nya naipapakita at napapangatawanan na tama ang ginagawa nya.”

“pero san pumapasok nga yung panlalalake mo aber? Ginagamitan mo lang ako ng pagkapilosopo mo pero di mo parin maipaliwanag kung bakit nakakaya mong manlalake e may boy friend ka naman na?”

Tumawa ulit si Annie. akmang sasagutin na sana nya si Gigi ng biglang tumunog ang cellphone nya. Tumatawag ang boyfriend nya  “sa susunod na natin pagusapan yang tungkol dyan insan ok?” sabay kindat at labas ng pinto.

Naiwan si Gigi sa kwartong naiinis.

*itutuloy*

0 comments: