hiwaga ng "yun lang"

eksena *insert lugar na angkop sa sitwasyon*

tauhan1: "pre' namimiss ko *insert name of special someone*"
tauhan2: oh, bakit di mo kausapin?
tauhan1: di ko rin kasi alam e. wala rin akong balita sa kanya
tauhan2: eh puntahan mo na lang kaya? di mo itext or email? tawagan na lang kaya? madami namang paraan dyan
tauhan1: malabong maitext. sa email? nakapagsend na ako. wala pang sagot e. tawag? kamusta naman san ko sya tatawagan di ko alam ang number nya dun.
tauhan2: sus puntahan mo na lang para mawala mga agam-agam mo
tauhan1: gustong gusto kong pumunta... di pa nga lang pwede sa ngayon. nasa malayong lugar e. maraming kailangang gawin para makapunta dun, sa ngayon imposible pa ata yun..
tauhan2: sus naman nasan ba sya?
tauhan1: ibang bansa pre. alam mo naman ang estado ko ngayon di ba?
tauhan2: yun lang.


sa mga pagkakataon na kailangan mo nga mairarason o maihihirit ngunit parang naisip mo na parang pang checkmate ang huling statement ng kausap mo ay mauuwi ka sa pagbitiw ng salitang "yun lang"

pero "yun" na lang nga ba ang tamang paraan o tamang isagot? hindi ba maaaring mas malawak pa dito ang maibigay mong opinion mo? maraming saklaw ang "yun" na pwede mong itukoy. depende sa tao, tama ba? maaaring sumasang ayon ka sa dahilan ng kausap mo, pero sa isang banda e parang may gusto ka pa ring sabihin pero napagtanto mo na sarilinin na lang to. maaari ring parang nadisappoint ka sa rason o sinabi ng kausap mo. kung titignan na parang wala na ngang magagawa at ganyan ang sitwasyon. wala na kong maitutulong o kaya naman e wala talaga syang pakialam sa sinasabi mo.

malabo? oo hanggang ngayon di ko pa rin talaga mahanap ang magandang paliwanag o rason para sa sagot na "yun lang"

kaya sa ngayon magpapakaliwaliw na lang ako sa usok ng pagkabigo.baka sakaling mahanap ang kasagutan sa pamamagitan ng panlilinlang sa sarili gamit ang mga matatamis na pangakong kaya kong bitawan ngunit di agad maisasakatuparan. pait ng tadhana. konting rekados na lang pwede ng kanin baboy.

yun lang.

0 comments: