hango mula sa maraming tagpo blg.2

ang sulating ito ay gawa gawa lamang. ang anumang mga pangalan, mga karakter, lugar at pangyayari na nabanggit dito ay panay ang produkto ng imahinasyon ng may-akda. anumang pagkakahawig sa tunay na pangyayari, lugar o mga taong nakatira o patay na, ay lubos na hindi sinasadya.


ikalawang yugto: sirang plaka


sa panahong hindi nya kailangang lumipad ang diwa nya ay sya naman itong dumating. maaaring ito ang sagot sa kanya ng kanyang isip para libangin ang sarili at para ipagpaliban muna ang pagkabigong nasa harap nya. nakailang buzz na pala ang kaibigan nyang si ferdi bago nya namalayan ang mga mensahe sa kanya.
- tol gimik tayo.

kinuha nya ang cellphone at tinawagan nya ito.

minsan na nyang naikwento dito ang tungkol sa kanyang ivette. tahimik na nakinig si ferdi sa kanya habang
nilalahad nya ang istorya ng buhay nya at kung paano nya nakasalamuha si ivette. pero ilang beses na nga ba
nangyari ang ganitong tagpo? sa dami ay di na nya mabilang.

mabuting kaibigan si ferdi, may katagalan na rin nyang kilala si boyet. at sa loob ng panahong yun ay masasabi
nyang kilala nya ang kaibigan at alam nya ang pakiramdam ng pinagdaraanan nito.

"tara nga gimik na tayo"

"may ginagawa ako next time na lang" sagot ni boyet.

"tangna pare alam kong wala kang ginagawa at nagaantay ka na naman sa wala"

di kumikibo si boyet sa mga sinasabi ni ferdi.

"so ano nagbunga naman ba ang pagaantay mo?"

katahimikan.

"busy nga ako pre sa susunod na lang"

"tangna bumitaw ka na lang tol"


"di nga ako pwede kailangan ko pang ipasa mamaya na deadline nito" 
alam nya kung ano ang tinutukoy ni ferdi. pilit lang niyang nililihis ang sagot nya sa gustong pagusapan ni ferdi

isang diretsong sagot ang binitawan ni ferdi 
"tol ano bang ginagawa mo? di mo ba makitang walang patutunguhan yan?"


"matagal na kitang kilala e sa tingin mo worth it yang ginagawa mo?"
 

"pre magkakapera ako dito sa gimik wala. gagastos pa ko"
 

"sanay na sanay ka na dyan no?" 
hirit ni ferdi.

"ha?"

"no offense pre, pero wag ka ng umasa. wala talagang patutunguhan yang ginagawa mo." 

"tigilan mo na yang pagiging martyr mo" 

"wag ka ng umasa sa taong di ka naman mahal" 

naging sunod sunod at matatalim ang mga litanyang binitawan ng kaibigan. parang sinasaksak sya ng mga di makitang punyal sa dibdib nya. at di pa dun natapos si ferdi.

"pare maniwala ka di lang sya ang babae sa mundo madami pa dyan. tangna gusto mo ipahanap kita kay gigi?" 

"alam ko na yang pakiramdam kung pano magpakamartyr"
gustong humirit ni boyet sa huling sinabi ni ferdi, sa utak nya sya nakipagtalo at inisip na  
"mali ka, hindi mo alam kung ano yung nararamdaman ko. wala sa inyong nakakaalam kung ano talaga ang nararamdaman ko. kahit ako nga di ko maipaliwanag kung ano at pano ko nadarama to." bumalik sya sa paguusap ng nagwika ulit si ferdi.

" hanggang kelan mo balak dibdibin yan?" kaunting katahimikan at winika ni boyet na

"hanggang kaya ko pa."

"tangna ikaw na ang epitome ng katangahan

"hahaha gago"

idinaan na lang ni boyet sa tawa ang huling hirit ng kaibigan. isang pekeng halak. bago binababa  and tawag ng kaibigan at naputol ang usapan.

napaisip sya kung namaster na nga nya ang pagiging tanga. ang pagtanga-tangahan sa mga pagkakataong alam nya ang mga dapat gawin. ang pagtakip ng mata sa reyalidad at pagtakas sa malapantasyang mundo ng pag-ibig. ang pagsaalang alang ng kung anong meron sya para sa kanyang minamahal.

totoong bulag sa pagibig.

pinili nyang manahimik muna panandalian. ilang beses na ba nangyari ito?. makailang araw na rin simula ng
huli silang nagusap ni ivette, ngunit pagkalipas ng ilang araw na madaratnan nya sya at magkakausap sila kahit wala pang lima o sampung minuto ay para na syang nasa langit.andun ang normal na usapin at kamustahan tungkol sa nangyari sa araw nya? kung kumakain ba sya sa tamang oras? pero hindi nya direktang maitanong kung bakit sya nagiging mailap? wala syang lakas ng loob gawin ito. pakiramdam nya ay wala syang arapatang gawin ito. di nya pag aari si ivette. walang sino man ang pwedeng magmay-ari sa isang tao kundi ang kanilang sarili mismo. nais nyang ilugar ang sarili kung saan sya nararapat. iyon ang pilit nyang ikinokondisyon sa sarili.

Gusto nyang tanungin kung ano ba talaga ang kulang sa sarili nya? o sadya lang ba syang loser? lalo kasing nangingibabaw ang pakiramdam nyang wag bumitiw pag naaalala nya ito. hindi man malinaw kung ano ang meron sya para kay ivette at di rin maihalintulad ito sa isang relasyon ng tulad ng kay ferdi at gigi pero ayaw ni boyet na umayaw na syang talunan. alam nya na kapag bumitiw sya, para na rin nyang inamin na totoo nga syang talunan.

hindi rin maipaliwanag ni boyet na kapag naguusap sila ay talo lahat ng rason nya. na kahit anong mood nya, kung galit man o nanlulumo ay di umuubra kapag kausap nya si ivette. nahuhulog sya sa bawat  salitang binibitawan ni ivette at sa kung paano sya mag isip.

alam rin nya na mahina sya pagdating sa pagibig. na parang kinakailangan pa nya ng solidong bagay na ubod ng linaw para ipaliwanag sa kanya kung anong nararapat na emosyon ang dapat nyang maramdaman para maintindihan nya yun. ang pakiramdam na kailangan 3D pa ang paraan, isang napakakomplikadong paraan para lang sa napakaliit na bagay.

hindi rin nya maipaliwanag kung bakit nararamdaman nya ang sakit sa pagkakataong nangungulila sya kay ivette? na parang hindi na sya kabilang sa mundong ginagalawan ni ivette. unti-unti na nga bang nabubura ang existense nya sa buhay ni ivette?

"aaaaaaaaaaaaaaaaaaaarrrrrrrrrrrghhhhhhh!" 


nilamukos pa ni boyet ang mukha at sinabunutan ang buhok nya. hindi na nya maituloy ang pakikipagtalo sa sarili at sa kung anong nararamdaman nya kaya muli na lang syang humiga sa kama.

hindi nagtagal ay bumangon rin sya mula sa pagkakahiga at sumandal sa sulok. hindi pa rin nawawala sa isipan nya ang imahe ni ivette. makakausap pa kaya niya ito? sa mga nakakaalam kung nasan man sya ay wala syang makuhanang impormasyon o mapagtanungan man lang. kung meron man, walang gustong magsabi. walang gustong magbahagi ng impormasyon.

marami na syang naiisip patungkol rito. kulang na lang ay sumabog na ang bungo nya kakaisip. hindi na alam ni boyet ang gagawin. kaya inumpog na lang nya ang ulo nya sa pader na malapit sa kanya. makailang ulit rin nyang ginawa ang pagumpog ng ulo sa pader.



paulit ulit hanggang sa napagod sya at natulog na lamang.


*itutuloy*

0 comments: