bangungot o panaginip lang

narasan mo na bang managinip? malamang oo.. ang gago naman ng tanong na to. syempre batid din dito sa tanong na to kung natatandaan mo ba ang huling napanaginipan mo. dun malamang magkakatalo talo ang sagot ng kung sino man ang makakabasa nito. bakit ko nga ba naisip to? may koneksyon ba to sa nangyari sakin? aba malay mo, malay ko rin. pero oo nanaginip ako kagabi o mas tama ata kung kanikanina lang dahil gising ako kagabi at natulog ako ng madaling araw na.

so may pake ka ba sa panaginip ko? malamang wala so wag mo na lang ituloy ang pagbasa para di sayang oras mo. ang mga detalye ng naaalala ko sa panaginip ko e ganito.

sa di ko mawaring pagtalon talon ng ideya sa isip ko napunta ako sa isang lugar na kung saan may tinatahak akong daan. kung ano man meron dun di ko alam. pero kasama ko si ramon bautista. sa di ko rin maintindihang dahilan e nakikitext sya sa akin. kasi daw lowbat ang cellphone nya. sabi ko naman wala akong load. so parehas kaming naglalakad at kinukwento nya ang mga karanasan nya sa pagtuturo at pagiging parte nya ng strangebrew.
di naglaon e natumbok ng daan ang isang panaderya. kadalasan sa ganitong pagkakataon e may sideline ang mga panaderya. parang minigrocery ang mga ito at paminsan minsan may loading station rin para sa mga gumagamit ng cellphone.
nagulat na lang ako ng biglang nawala sa tabi ko si ramon. pagbaling ko ng tingin sa panaderya e kausap na nya yung tindera tungkol sa load at sa panderegla at putok.  nakataas pa ang kanyang kwelyo at parating nakapose pag nagtatanong.

biglang nagpalit ang buong pangyayari sa isang iglap. naguguluhan man ako pero alam ko ang ginagawa ko. at may ginugulpi akong tao sa harapan ko. tuloy tuloy ang pagsapak ko sa mukha nya. napansin ko ring nakauniporme sya. tumigil ako sa pagsuntok at pag lingon ko nagsisilayuan ang mga nakapalibot samin. umalis ako na parang wala lang. tumutulo ang dugo sa kamao ko pero parang wala ako sa katinuan ko sa nangyayari. pumunta ako sa banyo. binuksan ko ang gripo at naghugas ng kamay at naghilamos na rin. di ko napansin andun pala si adrian. naninigarilyo. alam ko sa totoong buhay di naninigarilyo yun pero sa panaginip ko naninigarilyo sya. ah oo nga pala tumatae sya ng mga oras na yun nakabukas ang pinto ng cubicle. natatakpan ng amoy ng usok ng sigarilyo ang amoy ng ebak nya. may napagusapan kami tungkol sa walang katapusang alitan ng dalawang gusali na magkatapat. parehas naman daw puro studyante ang andun pero nagkandaletse letse lang daw ng nagrambol ang mga studyante. dati rati daw e nakabukod ang mga sutil sa mga matatalino. kaya naging dalawa ang gusali para ibukod ang dalawa. pero may mga pumasok sa kabilang gusali. napaaway kasi sila'y naiiba. di ko naintindihan ang mga sinasabi ni adrian. nakasalubong namin sa paglabas ng banyo si orang. as usual may dala dala syang camera. kinuhanan daw nya yung nangyari kanina. tapos hinanap na namin si tomas. babalikan pa kasi namin yung mga lumapatangan sa kakilala naming si tisay, yun ang sabi ni adrian. susugod daw kami sa kabilang kampo. napakamot ako ng ulo sa mga panahong yun at sinabi kong dumiretso na lang kami kasi malamang andun na si tomas. tama nga ang hinala ko at naroon na nga si tomas nauna ng kumilos dinig sa sigaw na galit na galit siya. ewan ko kung anong puno't dulo ng mga nangyari at kung bakit kailangan naming maghiganti.

natapos ang lahat ng ito ng bigla akong magising. di ko alam kung ano ang koneksyon ng lahat ng ito sa mangyayari ngayon o kinabukasan.

sa palagay nyo kung matutulog ba kong muli may part two pa ba ng mga napanaginipan ko?
makakapagpaload na ba si ramon bautista?  ilan kaya ang nagulpi ni tomas? at naging maganda kaya ang mga kuha ni orang? bangungot ba itong maituturing o isang panaginip lang?

at higit sa lahat..

naghugas ba ng kamay si adrian?

0 comments: