kahit maputi na ang buhok ko

iniisip ko kung bubuhayin ko pa tong blog kong natutulog. marami na akong naisulat. pero nasa drafts pa rin. kahit na tapos na. ayoko naman ipublish. siguro ito yung magsisilbing diary ko kung sakaling may mangyari saking masama. (wag naman sana) pero minsan dumadating ako sa puntong napaparanoid ako.

o matagal na akong ganito, at mas lumulutang lang ang katigasan ng ulo ko sa pagcontradict sa mga dapat na ginagawa ko. sa tagal ng panahong lumipas simula ng magkanda gulo gulo ang buhay kong wala pa rin sa ayos e nasanay na ako. o sadya lang talagang nagiging manhid na ako at tuluyan ng maging indifferent sa mga pangyayari sa paligid ko.

pero bakit "kahit maputi na ang buhok ko" ang naisulat kong pamagat nito? napangiti  na lang ako sapagkat may nakalaan talagang sulatin tong entry na to, pero sa di ko maipaliwanag na dahilan e ipagpapaliban ko na lang yun at sasarilinin.. pero baka hindi rin. bahala na.

napag isip isip ko rin kasing maging ~*art*~ dump na lang tong blog ko. pero andun na yung tumblr ko para dun. gusto ko rin sanang maging mas maayos na. for a change. pero mukhang matatagalan bago mangyari yun. kasi malamang sa malamang icocontradict ko ulit yung mga iniisip ko. nakakalungkot lang.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

trust issues :

may kinuha akong personality test mga ilang linggo nang nakalipas. naging madali naman para sakin yun. dahil di naman kailangang magreview para sa IQ test.pero dun sa personality test ata ako nadale. sabi nung nagcheck ng test ko. wala daw akong tiwala sa tao. sinundan pa nga niya ng tanong kung may "nanloko" na ba sakin o "nangiwan" at kung ano ano pang tanong na related sa pagkawala ng tiwala ko sa tao. di ko ata sya sinagot sa tanong nayun at bagkus e sinuklian lamang sya ng isang ngiti. pero simula ng mga oras na yun nagsimula na akong maisipisip ulit. ang nakakatoreteng pagiisip kung tama nga ba yun? wala na ba akong tiwala sa tao? na parang lahat ng gagawin nila e pinagdududahan ko sa isang banda kahit na hindi naman talaga. siguro subconsciously may pagdududa talaga. kung sasagutin ko kung may nanloko at nang-iwan na ba sa akin e palagay ko naman sakto lang kung sasabihin kong meron na.
ang masaklap lang e, yung mga tao pang yun ay ilan sa mga taong halos pinagbuhusan ko ng utmost attention and affection. ilan dun e may kinalaman sa mga naunsyaming pagibig. o kung di man naunsyami e pagibig na kelan man e di mangyayari. at sa ibang banda naman e mga taong lubos ang tiwalang ibinigay na sadya namang pinaglaruan ka ng tadhana at binalewala lang nila at iniwan ka na lang ng walang pasabi sa isang tabi.

tapos naman na ang nangyari. di ko na siguro kailangan pang ihingi ng paliwanag kung bakit nila nagawa. siguro naging obvious na rin para sa kanila na dapat alam ko na kung bakit nila yun ginawa. ang malungkot lang e di naman ako yung tipo ng taong nakadepende sa mga signos ng pagkakabigo at paglisan. kahit siguro ilang ulit ka pang magpakita ng kung ano anong signs na yan kung di mo rin naman ako didiretsuhin e wala rin. di ko rin yan iintindihin.  magtatanong lag ako ng magtatanong pero wala rin naman akong makukuhang sagot.

kasi wala ka na. 

kasi iniwan mo na ako.

                                                                                              kasi komplikado kamo.

                              kasi...


                                                                                                kasi..


kasi.

darating rin siguro ang panahon na malilinawagan ako sa lahat lahat.kailan man yun ewan ko na lang. di ko naman masabing natuto na ko sa mga nagawa ko. sa mga pangyayaring may dulot na aral para sakin. sa mga pampapalubag loob na naririnig ko sa iba. sa mga salitang nagboboost (di tulad ng boost sa plurk) ng self esteem ko na dapat iniintindi ko pero ewan ko. ayaw ko na lang sigurong pagbigyan ng puwang ang mga yun. kasi mas nanaisin kong sa inyo mismo manggaling yun. di ko nga lang alam kung matatanggap ko pa yun.

sa mga nakakaintindi ng mga nakasulat dito. di naman to likhang fiction. di rin to talambuhay. at mas lalong di rin to hango sa kwento ng komiks o ng xerex o ng roma amor maging ng paborito mong author. kung pinag ubusan mo ng oras basahin ito. malamang wala kang maiintindihan dito. lalo na kung di mo naman ako kilala.
pero wala ka ng choice. umabot ka na dito e. wala ka namang mapapala.

=========================================================================
pahabol:

masarap rin ang minsang nabubuhos mo kung ano ang saloobin mo sa isang tao. mabuti man o hindi. nakakagaan rin kasi ng dinadala. sa tingin ko kasi isa ako sa mga taong mapagtanim ng saloobin. mas pananatiliin kong akin na lamang yun kaysa makasakit ako ng ibang tao o masaktan ko ang sarili ko. minsan kailangan mong sumugal. pero di naman kailangan itaya mo ang lahat lahat ng pag aari mo para lang sa isang bagay na wala rin namang kasiguraduhan. inaamin kong naaalala pa rin kita sa mga oras na nalulungkot ako. sa mga gabing di makatulog at pinapakinggan ko ang ilang tunog na galing mismo sa yo. sa pagkanta sa mga liriko ng musikang nagbibigay sa akin ng ngiti. at sa tunog na nagpapatahan ng aking balisang damdamin. gusto kong itanong kung kamusta ka na? kung ano na ang pinagkakaabalahan mo? naaalala mo ba ako kahit paminsan minsan? at kung alam mo pa bang buhay pa ako?




recording 09


*di na ako marunong magedit ng audio. :|

0 comments: