nagpunta ako kila aling vicky. inutusan kasi akong bumili ng uulamin naming sardinas at tatlong beef noodles para sa araw na iyon. pumayag akong lumabas ng bahay kahit na abala ako sa paglalaro pero andun ang magic words na "sa iyo na ang sukli" hindi na ko nag-atubili wala pang ilang saglit kumaripas na ko at lumabas ng bahay para magtanong kung meron ng bibilhin ko sa tindahan. pagdating ko dun napa wow ako may bagong binebentang candy. matamis sya sabi ni aling vicky. ito rin daw ang pinakabago at pinagmamalaki ng isang kilalang kompanyang taga gawa ng candy. maganda ang baluti nya. napukaw ang mata ko sa pagtitig. o ano pa nga bang panunukso ng tadhana at biglang tumunog ang jingle ng commercial ng candy sa tv at binibidahan pa ng kilalang childstar na tagaendorso ng candy. mukhang masarap nga sya. halata sa itsura ng tagaendorso ng candy na nasasarapan sya at nageenjoy sa pagkain nito. napapaisip na ko sa mga oras na ito.biglang pumasok ang mabilis na computation ng mga bibilhin ko at kung magiging magkano ang sukling pwede kong pambili ng candy. "ayos" sabi ulit ng isip ko kakasya pa sa 1 candy ang makukuha ko. medyo may kamahalan sya kaya 1 lang muna ang pwedeng bilhin. napatitig ako ng matagal sa candy. parang napunta ako sa kung ano mang lugar na naisip ko nun lang. bigla akong nalagay sa imahe na kasama ko ang candy at ako lamang ang meron nun sa simula nang biglang may dumaang kalaro ko hawak hawak rin nya yung candy na inakala ko na ako lang ang meron. nasundan pa yun ng ibang kalaro ko na hawak rin at ninanamnam ang candy. para akong nanlumo. pero hindi panlalaban ko sa naisip ko. meron rin akong candy di ako dapat malungkot. pero biglang naglaho ang mga panaginip ng may naalalang importanteng bagay.
choco-yey
Posted by
B
Thursday, August 19, 2010
"diabetic ka nga pala iho" bulas ni aling vicky.
para akong nabuhusan ng malamig na tubig. kaya nagpasalamat na lang ako at umuwi sa bahay. pagdating ko dun pinagalitan ako kasi di ko rin nabili yung dapat kong bilhin. naunsyami pa ang mga pangarap kong kumain ng candy. kaya nagtapos ang araw na ngumangata ako ng biskwit na walang lasa at nagpakasasa na lamang sa ibang bagay na pwede kong pagkaabalahan.
Labels: yun lang
1 comments:
isipin mo na lang masarap kinakain mo :)
Post a Comment