nakaw

mahirap yung bigla kang mawawalan ng kung ano ano. higit sa lahat pera. oo pera. di naman lingid sa kaalam ng usual na kasama ko sa bahay na kapos ako sa pera. pero syempre di mawawala yung mga uninvited guests na titigil pa at manunuluyan ng ilang araw. ok lang naman sana, sa isang banda e di ko naman to bahay. sa tita ko to. at sinasamahan lang talaga namin ang lola ko. ang kinasasama ko lang ng loob e walang wala ka na nga. lalo pang mawawalan. magulo? oo kahit ako naguluhan dun. isama na natin ang katotohanang mahirap magbintang. oo mahirap pagbintangan ang isang tao na sya yung responsable sa nawawala kong pera. kahit na kilala mong sya yung pinakamalikot ang kamay na bumisita sa inyo. damay damay pa at pati mga anak nya e namana ata yung ganun. nahuli mo na sa akto di pa aamin. nakakasama talaga ng loob. pakunswelo de bobo pa na di lahat lahat ng pera mo kinuha. o yeh nagtira pa naman ng 120 petot. nakakapagtaka. di naman ako umaalis so alam ko kung magkano pa ang pera ko. dapat na talagang bumili ng kandado para sa bag ko. dun ko na lang ulit ilalagay ang pera ko. pero lalagyan ko na ng kandado. yung susi di mo makikita parating nasa akin yun. better yet kunin ko kaya yung mga lock na de numero? ewan ko. nagtatatlong isip na kong maglagay ng pera sa mga lugar na di naman ganun kaobvious makita pero may nakakahanap pa rin e. matyaga talaga, lalo na pag andito sila. lahat talaga ng mga bagay na madaling madampot at maitago kailangan talagang itabi. tongeno mo po. pakyu ka sa ert. sayong sayo na yung perang kinuha mo sa bag ko. di man yun kasing laki ng gaya ng nawala sa lola ko pero paunti unti ka naman kung tumira. pwede namang manghingi e. papahiramin naman kita. kung di man kita mapahiram yun e sa kadahilanang wala akong pera o may pinaglalaanan ako dun sa naitabi kong pera. 


sana sa uulitin maisip mo rin yun. pero ewan ko. kung ganun ka kagipit para pitikin pa ang kakarampot na pera ko e malamang kailangang kailangan mo nga yan. pero pakyu ka pa rin.

0 comments: