dapa

hindi naman porke may mga naglalabasan flop or kung ano mang crap e ikakahiya mo na ang buong lahi mo.
hindi rin naman ata tama na may nagawa ng kapalpakan e sisihin mo na ang lahat lahat sa mga nangyari.
maari namang tumayo kapag nadapa di ba? maari ring pagpagan mo ang nadungisan mong tuhod binti at kung ano man at maglakad muli.

choco-yey

nagpunta ako kila aling vicky. inutusan kasi akong bumili ng uulamin naming sardinas at tatlong beef noodles para sa araw na iyon. pumayag akong lumabas ng bahay kahit na abala ako sa paglalaro pero andun ang magic words na "sa iyo na ang sukli" hindi na ko nag-atubili wala pang ilang saglit kumaripas na ko at lumabas ng bahay para magtanong kung meron ng bibilhin ko sa tindahan. pagdating ko dun napa wow ako may bagong binebentang candy. matamis sya sabi ni aling vicky. ito rin daw ang pinakabago at pinagmamalaki ng isang kilalang kompanyang taga gawa ng candy. maganda ang baluti nya. napukaw ang mata ko sa pagtitig. o ano pa nga bang panunukso ng tadhana at biglang tumunog ang jingle ng commercial ng candy sa tv at binibidahan pa ng kilalang childstar na tagaendorso ng candy. mukhang masarap nga sya. halata sa itsura ng tagaendorso ng candy na nasasarapan sya at nageenjoy sa pagkain nito. napapaisip na ko sa mga oras na ito.biglang pumasok ang mabilis na computation ng mga bibilhin ko at kung magiging magkano ang sukling pwede kong pambili ng candy. "ayos" sabi ulit ng isip ko kakasya pa sa 1 candy ang makukuha ko. medyo may kamahalan sya kaya 1 lang muna ang pwedeng bilhin. napatitig ako ng matagal sa candy. parang napunta ako sa kung ano mang lugar na naisip ko nun lang. bigla akong nalagay sa imahe na kasama ko ang candy at ako lamang ang meron nun sa simula nang biglang may dumaang kalaro ko hawak hawak rin nya yung candy na inakala ko na ako lang ang meron. nasundan pa yun ng ibang kalaro ko na hawak rin at ninanamnam ang candy. para akong nanlumo. pero hindi panlalaban ko sa naisip ko. meron rin akong candy di ako dapat malungkot. pero biglang naglaho ang mga panaginip ng may naalalang importanteng bagay.


"diabetic ka nga pala iho" bulas ni aling vicky.

para akong nabuhusan ng malamig na tubig. kaya nagpasalamat na lang ako at umuwi sa bahay. pagdating ko dun pinagalitan ako kasi di ko rin nabili yung dapat kong bilhin. naunsyami pa ang mga pangarap kong kumain ng candy. kaya nagtapos ang araw na ngumangata ako ng biskwit na walang lasa at nagpakasasa na lamang sa ibang bagay na pwede kong pagkaabalahan.

kasinungalingan

sa isang ideya nagsimula. di mo alam kung bakit. dyan rin nabuo ang di dapat nabuo. hindi mo namalayan dun ka na namumuhay. at iiwan ka sa huli na nagtataka at puno ng pagdududa. wala kang habol. wala naman talagang nangyari. kinuha ka sa mundong ginagalawan mo.di mo alam kung kusa kang pumasok sa mundo nila. o napursigi ka lang na pumasok para makitungo at makibagay sa kung ano mang kilos, gawa, pagiisip o kung ano man ang kinakailangan para manatili ka sa lugar nila. ni minsan di ka nagtaka. ni hindi man lang nagdalwang isip sa mga kilos o sa mga pagbabagong nangyayari. sumabay ka sa agos ng panahon. sa panahon na kung saan para kang lutang sa pinagbabawal na ligaya. nasaid ng sobrang ligaya na di mo na alam kung tama ba talaga ang iyong ginagawa o ang mas kalunos lunos kung tunay nga ba ang ligayang dapat mong maramdaman. di ka na nakapagisip. pero sige lang. masaya ka sa mga oras na iyon. sa sobrang saya na para ka ng bulag sa mga nangyayari sa harapan mo. para kang ninanakawan ng harap-harapan pero masyado kang lango at di mo mawari na ikaw pala ay nasasalisihan na ng di mo nalalaman. hanggang sa bigla na lang silang mawawala. dun pa lang magsisimula ang pagtataka at ang pagtatanong sa sarili. anong nangyari? bakit nagkaganon? bakit nawala? may nasabi ba ako? may nagawa ba kong mali? bakit parang sa mga ganitong pagkakataon tinatanong mo ang sarili mo? na parang ang punot-dulo ng lahat ay ikaw ang may sala. na ang sarili ang dapat managot sa lahat lahat ng nangyari. ngunit sa isang banda ikaw lang ba ang dapat sisihin sa lahat lahat? paano na kung malaman mong isa ka lamang piyesa o parte ng tauhan para sa kwentong ginawa para makaalpas ang isa sa sitwasyong kanyang tinatahak? na ikaw ay pwedeng ihalintulad sa isang terminal o istasyon na kung saan magpapalipas lamang ng ilang sandali at lilisan rin pagkatapos. na ginamit ka lamang upang maibsan ang lungkot at paninibugho ng damdamin para makapag simula sya muli ng panibagong buhay, ngunit di ka nga lang kasama. isa ka lamang instrumento para pagbasehan ng mabuting ehemplo o isang makaidelohiyang kaisipan na magiging basehan ng dapat at hindi dapat.o isa ka lamang katatawanan. isa itong sumpang parang pinataw sayo simula ng lumisan ka sa kung san ka man naroon dati. na ikaw ay pinagkakatuwaan lamang. na ikaw ay isa lamang isang malaking biro. na pinagtatawanan sa pagkakataon na ikaw ay pinaglalaruan. isip man o damdamin. siguro sa ngayon matatawa ka na lang kapag naiisip mo ang nangyari. wala ka naman ng magagawa, nangyari na ang mga nangyari. kailangan pa bang ihingi ng kapatawaran? kung di rin naman maipaliwanag kung bakit nangyari ang mga nangyari? kailangan mo rin bang humingi ng dispensa para sa mga nagawa mong kapalpakan? pero naihingi mo na ng kapatawaran yun. kailangan na lang bang tanggapin ang mga nangyari? ganun na lang ata. wala na atang remedyong magagawa. kahit ilang masilya pa ang itapal mo ganun pa rin. kahit pagsuotin mo ng marangyang kasuotan ganun pa rin. san na nga napunta ang dati? iba na kasi sya ngayon. iba ka na rin. nagbago na ba ang lahat lahat? o sadya nga lang mabagal ka para humabol sa takbo ng kasalukuyan. siguro nga. pero malay mo nagkakamali ka lang ulit. balik ka na lang muna sa mundo mo. kung nasaan ka nuon. lagyan ng harang ang dapat lagyan ng harang. ikulong ang dapat ikulong. gamitin ang alaala upang aliwin ang sarili. huwag ng hayaang mangyari pa ang mga kasuklam suklam na bagay na ayaw mo ng mangyari. manatiling gising. mangarap pa rin. magtiwala sa dapat pagkatiwalaan. at ihanda ang sarili baka niloloko ka naman ng pagkakataon. at magising na namumuhay ka na naman sa mundo ng kasinungalingan.

ihi

dun lang ako nalungkot. na sa mga oras na di mo pinansin yung nararamdaman ko pero pagdating sayo e dapat ako ang makisakay. at sa mga oras na nakiusap ako sige ka pa rin ng sige. di lang naman ikaw ang kailangang pakibagayan. may oras rin na sana umiintindi ka rin. nakakalungkot lang at wala kang pakialam sa nararamdaman ko kasi ang importante e yung nararamdaman mo. so pano na ko? kelangan ko na lang bang tumahimik at umupo sa isang tabi hanggang balikan mo at pansinin ulit? di naman siguro ako kelangan magpigil ng nararamdaman. pagbigyan mo lang minsan lang ako humingi ng pabor di pa pagbibigyan bagkus e kailangan ko pa ring makiapid sa kung ano man ang iyong nais. ayos. sige ayoko makipaglaro ng pataasan ng ihi. mababasa rin ako ng sarili kong ihi kung sakali mang manalo ako sa larong gusto mo.


ktnxbye