"HOY KABAYO!"
naguluhan siya ng sabihan sya ng ganyan. muli syang nagulat ng may nagsabi ulit sa kanya
"KABAYO! bilis bilisan mo nga dyan. ako naman ang gagamit nyan"
dinibdib nya ang paratang na to. tumingin sa salamin kinumpara ang sinasabi ng iba. "mukha ba talaga akong kabayo?" "hindi, ang layo ko sa itsura ng kabayo"
---denial---
pagkalabas nya ng kwarto. bigla ulit syang sinigawan.
"ANAK NG KABAYO naman... bakit ba ang kupad kupad mong kumilos!"
sa di mo maipaliwanag na dahilan. binato mo sya ng pinakamalapit na bagay na nahawakan mo.
"e gago ka pala e, bakit di mo subukang gawin yung sinasabi mo kailangan mo pang iutos kaya mo namang gawin!"
---ANGER---
sa panahon na to. nagkulong sya sa kwarto nya. umiyak ng umiyak....sabay nagsusumigaw sa kisame
"bakit!?!?! BAKIT GANITO ANG BINIGAY na mukha nyo sakin!!!??? sana ibang mukha na lang sana ginawa nyo na lang akong lumpo kesa magkaron ng ganitong mukha"
----bargaining---
nagkulong sya at nagnilay nilay. naging apathetic sya sa lahat ng nangyayari sa paligid nya. wala syang kinakausap. hindi rin sya kumain at kumilos ng normal. andun lang sya sa kwarto nya. nakaupo sa sulok.
---depression---
sa pagkukulong nya sa kwarto nakakita sya ng isang libro. binasa nya ito. at nakalagay dun.
"kung tinawag kang kabayo ng isang beses wag mo itong pansinin. kung lumampas na sa dalawang beses kang tinatawag na kabayo. aba baka kailangan mo na ngang maghatak ng kalesa"
sa pagkakataong yun. tinapon nya ang libro at lumabas nag bahay.
"ito na ang simula ng bago kong buhay"
di na lang nya ininda ang mga paratang ng ibang tao. nabuhay sya malayo sa lugar na pinanggalingan nya. at nagsimula muli.
--acceptance--
DABDA
Posted by
B
Thursday, July 29, 2010
0 comments:
Post a Comment