sarap isipin sa tagal ng pinagbuhusan mo ng pawis, effort, oras, tiyaga, at kung anu pa e mauuwi rin sa wala.
ganyan ang hirap kapag "charity" lang ang trabaho mo...lalo na sa larong basketball..
nasira na ang mamahalin mong bits wok (*beach walk)nadaya pa sa score, natamaan ka pa ng siko, balya, tulak at jabar ng mga kalaro nyong adik, lalo na kapag bumuka na ang bagwis**.(**siya yung isa sa mga nakalaro nila na parang hupaw na hupaw pa..para syang napariwara, bungal at may palawit na buntot yung buhok sa likod at kung tumira e parang phoenix sabi ni kuya eric kasi nkataas kasi yung isang paa hehe)
buti na lang panalo. muntik pang natalo kasi nkahabol pa ang mga katunggali.
ang mga panalo? syempre yung pumusta ng malaki. - chekwa.
ang mga talunan? - bekbek ( humingi pa ng balato kay chekwa...galit pa haha), kuya eric (ng unang game napilayan pa) buboy balane (charity lang ayun..hindi sya nawalan, hindi rin nagkaron.)
hindi ka mawawalan..at lalong hindi ka rin magkakaron.
Posted by
B
Thursday, November 13, 2008
0 comments:
Post a Comment