Walkathon


“ I can’t feel my legs!!!!!!!!! I’m BBLIIIIIIIIIIIIIIIINNNDED!!!!!!!!! ”

isang sabado, pumunta ko sa bahay ni bes kasama c tagapalo,.
Dumayo kmi ng bulacan kasi..ano kasi…uhmm..para makiinom ng isang baso ng tubig hehehe
Tapos nun, inaya nya kmi na pumunta sa Adelram, at kumain kmi ng isaw at kung anu-ano pang lamang loob…at nag sopdrenks kmi in batol sinalin lng sa plastik.. yun nag cost cutting kmi kasi may lakad pa ko kinabukasan at babalik uli ako sa bahy ni bes kasi mag sisimba sana kmi at ppntang eSaM marilao para manood ng MYMP.

Nga pla naglakad lng kmi ppuntang adelram tas ganun din pabalik sa knila…yun kwento kwento tas napansin ko na lng na ala sais na pla…umaga pa lng wala na ko sa bahay kasi may praktis kmi sa play nmin sa speech class para sa teacher nming baklita hehehe no offense poc poc sya eh.(P-possessive O-Obsessive C- compulsive times 2) ayun…

All went well namn I hope, sana di ako mag stutter kasi may stage fright ako eh…kakatamad kasi pag humaharap ka sa madla at pinagtitinginan ka simula ulo hanggang paa na para ka lng tae na mabaho na kailangan nilang itaboy palayo o para kang may kulangot o kung ano sa mukha mo at dun cla nakafocus lintek yan.

Kaya nagapaalam na kmi ni tagapalo, kasi maglilibot libot pa kmi sa eSaM, at nagdevice pa ko ng plano na maglalakd lng kmi kasi malapit lapit lng namn un sa bahay ni bes.
Pagdating sa esam wala lng naglibot libot lng ulit kmi at kung saan saan kmi nagtungo at naghanap ng wala…mabuti na rin yun kaysa sa walng hinahanap..di ba?

Tapos mga 7pm nag aya ng gumayak pauwi….paglabas naming sa mall eh nagpag usapan na lakarin na lng naming hanggang sa may pandayan at dun na lng kmi sumakay ng jeep…di namn kmi nag kukuripot may pera namn kmi wala lng napagtripan lng na maglakd pake mo.
At inabot kmi ng halos 20 minutos at narating nmin ang aming destinasyon … ang pandayan.
Ngunit, subalit, datapwat …biglang may pumasok sa kokote na lakarin na lng hanggang malinta…WOW! Ayus yun ah…
Ang matagl tagal ko ng pangarap na lakarin ang balintawak hangagng malinta exit at di matupad tupad eh maisasakatuparan sa pamamagitan nito so pumayag ako at kmi’y nagsimulang mag lakad…

Ayus nga eh madami kming nakitang kakaiba tulad na lng ng traffic, away ng MMDA at isang driver ng bus, mga hosto na binubulabaog ng mga tambay sa may squatter’s area, mga matang hayup tumngin…hayup talaga mukha silang animal at parang ngayon lng nakakita ng nakaputi at nakaitim na magkasamang naglalakad sa kahabaan ng McArthur hi-way, nag jacutiime pa nga ko na para kming SUGO ~ung mani.
…kala ko nag mapapatrobol pa kmi dmi kasing adik dun eh… hehehehe
Nalampasan naming ang isang sambahan ng mga Inglesia ni Cristo at napag usapan na halos lahat ng sambahan nila eh maganda kaysa sa mga simbahan ng mga katoliko (kinu-corrupt kasi pati pera ng simbahan tsk tsk) ayun pati mga gawain ng mga relihiyon napag usapan na..ung di pag kain ng karne ng baboy at kung anu-ano pa…. Nadaanan din min ung dating skul na pinaggradweytan ng ate ko …ayus airconditioned rooms na…at nagooffer na ngayon ng nursing..iba talaga epekto ng utak kolonyalismo sa mga pinoy talaga namn…
Naisip ko rin ung sinabi ng baklitang prof ko…

“so after you graduate you will all go to the united states or to any country that you want…(tumango ung iba…ung ilan natutulog at ung isa kumakain *ehem*)
hmmp you are like human exports…
do you have tags that are labeled EQ ( biglang may humihirit -diaper? Emotional quotient?) loka export quality!” ani ni baklita…

at yun na nga traffic pa dun kaya biglang nagcomment na buti na lng ngalakd tayo kundi umuusok na pwet natin jan sa haba ng traffic,
nagulat kmi kas pagkalipas ng ilang minuto eh may nkita ulit kmi na simbahn ng iglesia ulet!?!?!
Niloko ko pa si tagapalo..

“oi! Pare parang dinaanan na natin toh kanina ah…DEJAVOU hehehehe”
“pare di nga???
Muntik ko ng maconvice kaya lng naawa ako bka mag collapse pa hehehehe mahaba haba pa yung lalakbayin naming…
Tas may nikta kming lightshow parang may gig sabi ni tagapalo
Tol paano kaya kung may gig tayo tapos biglng nasira ung auto ko kaso malayo ung lugar edi lalakrin lng natyin papunta dun ehehehe tapos double pedal pa ung gagamitin ko nku durog durog tuhod ko nun hehehehe

At nilampasan naming ang ikalawang sambahan ng mga taga hulyo iglesias…
Huminto lng kmi nung bumili kmi ng isang ubd ng lameg na POP MEGA mega sa uhaw mega sa konti soooooper tamis at dahil wala pa kming kinaing hapunan eh sadyang nagdulot ito ng kakaibang sensasyon sa aking sikmura na parang nagmumura na ito sa galit. Pero ininom ko na ren…sayang eh…
Inabot kmi ng dalawang oras mahigit sa kakalakad at nakarating din kmi sa may SOUTH supermarket sa may malinta.. at long last nakaabot din…si tagaopalo ay tuwang tuwa at nagsisisgaw ng makarating kmi dun (with matching taas pa ng kamay! Wooohooo! Yes!yes! ) namanhid ung tuhod ko at napilitan akong mag bayad sa jeep ng sakto kasi dati student fare lng binabayad naming…(abusuhin ang discount habang nanjan pa!)
At pag tapos nun parang gusto ko uling ulitin ung nagyari ..
Yaan mo may nextym pa.
Moral lesson: kung ayaw mong magka paltus…mag Darlington socks ka…mura lng
naynti-nayn sints…
`manny pacquiao (dolly tuna…dolly tuna)

“ lahat ng mga bagay sa mundo ay hindi na kukuha ng pabunjeeng bunjeeng lang…
Kailangan mo rin itong pag hirapan..kaya simulan mo ng mag lakad pare koy…”

0 comments: