panaginip lang

hindi ko alam kung paano nagsimula basta naalala ko na lang na kumakain tayo.

di ko alam kung bakit parating may pagkain sa panaginip ko lately. siguro dahil di ako kumain ng dinner kagabi pero ewan ko na  lang rin. balik sa eksena. nakatalikod ka sakin, may kinukwento ka ata o binabasang libro o kung ano tapos lumapit ako tapos niyakap kita. hindi ko alam kung epekto yun ng unan na akap akap ko nang pagtulog ko pero para sa akin ramdam na ramdam ko ang bawat kurba ng katawan mo at ang halimuyak ng pabango mo.

binalot ko ang katawan mo ng mga bisig ko, akala ko magagalit ka nung maramdaman kong yung kamay mo e pinatong mo sa kamay ko. inakala kong aalisin mo ang kamay ko, pero nagulat ako sa susunod na ganap. hinigpitan mo ang hawak mo sa kamay ko at para bang sinecure mo ang kamay mo sa kamay ko at parang pinahigpitan pa ang kapit ko sayo.

napahalik ako sa balikat mo at sinabing "dyan ka lang. gusto ko andyan ka lang parati..



...para sa akin." 


sa pagpikit ko e ang huling nakita ko e ang ngiti mula sa labi mo at parang may sasabihin ka sana kaso bigla akong nagising.

siguro ang sinabi mo sakin e para sa susunod na panaginip ko pa malalaman.

sa ngayon kailangan ko munang gumising...

"gising na.. 



gising na."

para sa akin

hindi nga siguro lahat e para sa iyo. kung sa akin man e magpapasalamat ako ng lubusan, kung hindi naman e siguro oras na para idaan na lang sa ngiti ang lahat. nakakapagod ng makipagpunong braso sa mga tinginingining na feelings na yan. nakakapanlumo lang rin kasi na hindi mo maiwasang magexpect ng kung ano out of something gaya ng may pinapakita syang mga bagay na ikinatutuwa mo o sadyang nagiging attached ka lang rin siguro. kakupalan lang sa mga hindot na di umaamin na kahit papaano hindi sila kinikilig kapag may pasimpleng hi o ngitian lang sya ng crush nya. sa mga bagong tuklas patungkol sa mga taong bago mo pa lang nakakasalamuha e parang nakakagimbal man pero parte rin yun ng proseso e. hindi naman pwedeng ipilit mo sa sarili mo at sa kanila yung mga ideals mo sa kanila. masyado ka namang sakim nun. 

tsaka mas ok na rin siguro na tanggap mo sya sa kung ano/sino ang kabuuan nya. hindi yung parang ilang parte lang nya yung gusto mo. kasi lahat e nagdadaan sa pagbabago. kaya ipoproseso mo pa yun. minsan kasi kailangan mo ring gumamit ng utak. hindi puro puso lang.

nakakalungkot lang kasi masyado na atang moderno ng panahon na hindi na ako makasabay sa kung ano mang nangyayari. kung ano man yung cool o acceptable sa iba e parang di pa ring katanggap tanggap para sa akin. siguro nagiging grumpy na ako o sadya lang judgmental o baka nasasama lang sila sa pagiging stereotypical ko. ewan ko. minsan kasi di ko rin maintindihan talaga. kailangan mo lang sigurong tanggapin na hindi lahat at para sayo. kaya kung kanino mo man ibabahagi yang feelings mo, good luck .:)

kasi sa ngayon marami ang naghihirap.

isama mo na rin ang pakiramdam o front mong feelings na mapagpanggap, mapagkunware at matapang. 

para kay dream girl

napanaginipan na naman kita kagabi.

nagsimula ang kwento ng inaya kita manuod ng movie. nakalimutan ko na kung anong movie yung inaya ko sayo pero pumayag ka naman. may dala akong pizza at yung movie na inakala kong sa sinehan e sa bahay lang pala natin papanuorin. kasi maraming tao sa sinehan premiere ata kaya iba na lang ang papanuorin natin at nauwi tayo sa bahay ninyo. naalala ko na habang naglalakad tayo e nakahawak ka sa braso ko. tapos kumakanta ka ng 'kahit kailan' ng southborder. di ko alam kung bakit yun ang kinakanta mo pero napapangiti ako habang kumakanta ka. at para makaduet kita e ako yung instrumental part dun sa sax haha.
so nagskip na yung scene at nasa couch tayo at kumakain ako ng pizza. bigla akong nagkaurge para umihi so nagpaalam para magpunta ng banyo tapos nakita ko yung ate mo kasama yung baby nya. tinanong ko kung san ang banyo, tinuro nya dun sa bandang kaliwa may pinto dun at yung switch ng ilaw e bago pumasok ng pinto sa bandang kanan. so pagkatapos ko gawin ang aking business e lumabas ako at pabalik na papunta sayo e tinawag ako ng ate mo. nagusap kami habang nilalaro ko yung baby nya. tapos di ko alam kung tinatakot nya ako o ewan ko lang pero tinanong nya kung seryoso ako sayo, ang sabi ko lang e "i like her a lot" at syempre bilang ate nya e ang sabi nya e "saktan mo lang yang kapatid ko yari ka sakin" pero nakangiti naman sya at alam naman ata nyang di ko kaya yun. anyway natuwa ata ako masyado sa kakalaro ng baby nya at napansin na rin ata nyang matagal akong nawala kaya hinanap na nya ako. nung nagkita kami e natawa lang sya kasi puro laway na ako nung baby pero di ko na pinapansin. iba rin kasi ang epekto ng pagkarga sa mga bata.
parang naubos yung oras namin kakalaro sa baby at hindi na namin natapos yung pinapanuod namin. i had a lot of fun. seriously, gumising akong nakangiti kahit wala akong idea kung ano ba talaga ang pinanuod namin dun sa panaginip ko.
sana nga lang totoong alaala na lang yun instead sa panaginip.