kailangan ko na ata ng bagong materyal para sa pagsusulat.
panibagong tema na magandang pagusapan.
pero siguro hindi naman yun mahalaga.
kung wala rin naman gustong bumasa.
mas makabubuti pa siguro yung ganito
konting tipa at lapat ng kwento
baka kinabukasan may maisip na bago
ng hindi naman puro pasintamang nagtatago
materyal
late
better late than...you know, uhm you get the gist of it. i think by the time you read this or maybe not (for you have more pressing important matters than reading this shitty blog) i am not trying to make it sounds like it really need attention but whatever works for you right?
it is kind of a drag to notice much drama and dilemma happening all around you, for you can't help being affected by such moments. especially if it reminds you of your own dilemmas and it would make you wonder how it made you still cling on a thin thread of sanity that you think you have while other people barely make it and then they break down eventually.
hopefully i won't be a part of that bunch. i really hope i would. it would be all right. everything will be.
it may not be now, but yeah i know it will.
someday
sing song saknong
sing
hawakan ang mikropono
siguraduhing nasa tono
kapag nagsimula na ang tugtog
pilitin ang tuhod na wag mangatog
song
sa pagpili ng kantang iyong ibibida
humanap ng may nakakapukaw na linya
huwag yung mga pinasikat ng mga artista
na wala namang talento sa pagkanta
saknong
hindi naman kinakailangang apat na linya
ang iba'y paiba-iba at sadyang malaya
sa iba'y parang kulang na sinadya
nagkamali siguro ng bilang o tantiya
hello there
kamusta ka na? matagal na kitang hindi nabibisita. pasensya na. siguro nagtatampo ka na kasi may mga nakakausap na akong bago patungkol sa kung ano mang nararamdaman ko. siguro pakiramdam mo naisantabi na kita at unti unti ng kinakalimutan. hindi naman ganun ang intensyon ko. bagkus, may mga bagay bagay rin na hindi ko na maibahagi sayo gaya ng naibabahagi ko dati. binibisibisita pa rin naman kita kapag mayroon akong oras. alam ko hihiritan mo ako na wala namang taong 24 oras na busy, alam ko naman yun e. siguro natataon lang na sa mga oras na hindi ako busy ay may iba naman akong naiisip gawin so ang siste di pa rin kita nakakausap. naging paulit ulit ang siste at eto na siguro ang isa sa mga tahimik na buwan ng buhay ko. bakit kamo tahimik? wala naman kasi akong maikwento sayo na kaenga-enganyo e. pakiramdam ko rin kasi sa punto ito ng buhay ko, masyado syang boring. kasalan ko rin naman. wala naman rin akong ginagawa para maging exciting yung buhay kong tinatawag kong boring ngayon. sa totoo lang, wala na talaga akong mabahaging may importansya. paulit ulit na rin kasi ang nagiging gawain ko sa mga nagdaang araw sa mga linggo o buwan na nagdaan. naging part na ng routine ko kung ano man yung mga ginagawa ko sa araw araw (malamang) pero ang bottom line- hindi ako masaya.
ayoko na kasing magdrama. nagpapaka indifferent na lang siguro ako.
sa totoo e marami namang pwedeng pagusapan e. ang siste e sasarilinin ko nga lang sya. kaya patawad uli.
magbabalik ulit ako kapag may magandang kwento na ako.
hindi kita iiwan blogger, tandaan mo yan.
Labels: blog , note to self , random