so kamusta ka naman?

natanong na rin sakin to ng ilang ulit. madalas ang sagot ko e ang usual na "walang bago"
pero ano nga ba ang dapat kong isagot? "ok lang", "sakto lang" ...pero yun ba talaga ang gusto kong ipahatid?

kung di naman talaga ako ok, kailangan ko bang sabihing ok ako? kahit na halata namang hindi. o kung sasabihin ko namang sakto lang e parang ang dating naman nun e niloloko ko ang sarili ko. sa tingin ko naman e niloloko ko lang naman talaga ang sarili ko. sawang sawa na rin ako sa mga nangyayari sa pang araw araw..

di naman ganun kadali e. marami tayong pinagdadaanan. di lang naman ako ang tao sa buong mundo na kailangang pansinin ng lahat ng tao. pero sa kasamaang palad may mga taong papansin sayo. kakamustahin ka, gustuhin mo man o hindi. ano nga ba ang punto ko? wala. panibagong yugto lang naman to ng pagkabagot ko isinalin ko lang sa blog ko, hindi para sa kapitbahay naming walang ginawa araw araw kung hindi magbingo sa kalsada at makipagtalo sa tuwing nadadaya ang dalawang pisong taya nya, o sa mga kaibigan kong nakasalamuha ko ng matagal, biglang lilisan, at muling magbabalik. at mas lalong hindi para sa mga kamag anak ko, para kanino pa? edi sa akin. lahat naman ito e nagiging basehan nila upang magbigay ng opinyon sa kung ano man ang nais nila. pwede itong maging salamin ng pagkatao ko. o maging batayan nila kung bakit ako nagkakaganito.

ano ang ending? wala pa. tuloy tuloy pa rin ang kwento e, buhay pa naman ako. mamaya matutulog ako at kung suswertihin mananaginip. na sa panaginip na yun masaya ako. masaya talaga. di tulad ng maskarang kailangan kong suotin araw araw na as tuwing may problema e ibabaling ko ang mukha ko sa kabila para di makita yung gusot sa mukha ko o maging ang pagbabago sa magiging kilos ko. mas mabuti na siguro yung ganun. kahit alam na alam mong hindi.

bakit ang boring? ganun talaga e. di naman kailangan bigyan ng importansya para sa iba yung mga ganitong hinaing. di naman rin ako makata para idaan ko sa mga matatalinhagang salita o balutin ng kung ano anong palamuti yung mga ginagawa ko para bigyan ng pansin o gawan ng papuri ng iba.

mas ok na para sa akin na maging ganito. di naman titigil ang mundo pag nawala yung pagganito ko di ba?
tignan na lang natin baka bukas maiba naman...

you don't bite the hand that feeds you

true.

you can only bark and obey to their whims.

you can run and struggle all day long.

but at the end of the day you will find yourself bound by chains around your neck.

struggling all your life to be free...