Nokturnal tagalog blues

hindi ako makatha alam ko nman yun,
pero sa palagay mo ba lahat ba ng tao e may kakayahang sumulat ng mga tulad nito?



Pila


ang isang mahabang pila..
nagsimula sa isa
na sinundan hanggang maging linya,
at unti-unting naging sawa

ngalay na ang binti sa pagkakatayo
isang oras na ang nakalipas
hindi pa rin masyadong nakakalayo
isang pulgada lang ang nailagpas

sa bawat hakbang na napapalapit
noo't braso kapwa namamawis
"ilang saglit na lang" ito ang sambit
sobra ang init kaya't panyo'y ikiniskis

batid na ang kapaguran sa init ng hapon
pinagdadasal na makarating sa dako paroon
ngunit binigyan ka ng isang masakit na alaala
pagdating sa dulo mayroon ulit isang pila.


*wala talagang magandang nangyari ngayong araw na to,
halaos buong araw akong nakatayo at nakapila..
tara pila ka na rin malay mo makasingit ka pa.

Sinong Bestfriend Mo Doon?

lets go back in time
teng neneng...
"..wont you take me to funky town.."

habang dinodownload ko ang disaster movie (palabas na di ko alam kung malinaw na ba o hindi maganda ba o parang superhero movie lang) naisipan kong magbalik tanaw..

background music...in 3-2-1..pasok!
napaisip ako ng mga lumang mga tag line ng mga commercials na pinalabas nuon na para bang linta,kuto o kung anu man na naaalala mo pa rin kahit ano pang pilit mong sabihing hindi (unless di mo naman talaga napanuod yun) XD

natatandaan mo pa ba ang mga malulupit na commercial at jingle sa SEIKO (*seiko seiko wallet, ang wallet na maswerte, balat nito ay gi-nyu-wayn, international pa ang mga design ang wallet na maswerte...seiko seiko wallet!!!")o bagsik ng DRAGON KATOL (*dragon katol, dragon kung umusok..lamowk siguradong teypok!") na ineendorse ng isang kanong cowboy wehehe, at kung may tamang trip ka pwede mo ring paghaluin ang theme song ng FAMILY TOOTHPASTE at FAMILY RUBBING ALCOHOL...tutal e magkapamilya naman sila... wehehe insert " Mother, Father, Brother, Sister how do you brush your teeth? with FAMILY RUBBING alcohol, hindi lang pampamilya, pang isports pa!" at walang kamatayang "Iodized salt, iodized salt, mag-iodized salt tayo.." ni LA Lopez (*the gayish kid who sang yakap) pwede rin ang nano nano candy jingle pamparelax sau
nano nano nano nano nano nano nano...(*background puro ganun) sabay hirit ng lead singer- oh nano nano you drive me crazy, i really love what you do to meee,.. sweet sour and salty nano nano..nano nano..nano nanoooooo" sa umaga milo ang laklakin kasabay ng jingle na pang motivate..."great things start from small beginning..growing up with milo the olympic energy drink! i need my milo today...milo today...milo milo everyday.." si lea salonga daw ang kumanta nyan huwaw...

pati labada ininvade na rin..."laba dami...labango..." kung alam mo ang title waw astig ka parey! sa toothpaste pala hindi papatalo ang beam..kaya mo bang kantahin ang jingle nila ng hindi ngumimiti? "B-E-A-M Beam smile...smile kami pag beam, beam na beam ngiti protectado...panalo sa presyo, panalo pag beam. ten tenenen ten "you want to know what happens in a bag of nips before they my lips they make a rainbow...a choco rainbow...(chocolate nips!).. and they color all the flowers and they paint the trees...sweet and delicious look at all those bees....when i want fun i get a bag of nips and make rainbow!!! Nips Nips " nawawalan ng kwenta ng jingle ng wow paksiw n pinapakita sa wowowee kapg hiniritan na natin ito ng "kay tagal mo ng nwala..babalik ka rin..." by gary v for the duty free commercial..

sabado nanaman.."isang araw(tulog daw sabi ng iba) na lang, jollibee nanaman, ang araw lulubog..bukas mabubusog...sa chicken joy manok at yum burger bilog...i hate you sabado pati na rin linggo, naospital ako pati ang mami ko...panis na ispageti handog ng jollibee" haha ito yung kinakanta ng mga bata samin after the food poisoning incident regarding the spoiled spaghetti na naserve sa siang branch ng jabee.. di mo pa rin ba maalala? alugin pa natin ang utak mo..

i even remember the chubby kid who fantasize about carlo (patrick garcia i think) who wrote in her diary that she saw carlo today, he was so cute, sabi nya im pretty kaya lang im fat i eat too much kasi eh..kaya ngayon...good bye spaghetti, goodbye ice cream, good bye hotdog(purefoods tj) ...*sighs* (crosses hotdog)..good bye carlo! Sabay lamon., o yeah..

at pag may time ako uupload ko ang mga commercial ng encarnacion bechavez, RA Homevision (yung may ET haha), yung OA na may linyang "ayokong maging duk-haa...", mimiflo, bonbon! cologne, pati na rin ang ad ng TKO! tubig! Kubeta! Oresol!
at ang sagot ko sa title ko:


syempre ikaw lang... :D

lets not wait till the water runs dry

thursday:

ang bilis ng oras tarsdey na pala di ko man lang namalayan,
kung sabagay kung puro tulog, kain, pc, txt, kain, ligo, bihis, ihi, tae, kain tulog kain ang routine mo di mo nga talaga mamamalayan ang pagtakbo ng oras.

sinimulan ko ang aras sa pamamagitan ng pagppsp. o yeh, malapit ko ng mamaster ang wrk time fun haha konti na lang ang mali ko sa chick sorting at pendemonium...

at ng nabagot ako ng mga 1-2 am, ngbasa ako ng ebook- invisble monsters - chuck palahniuk; at nagpaikot ikot ako sa kama kasi hindi ako makatulog...mga 5am tinamaan din ako ng antok at ako'y nahimbing.

12 ng tanghali ako nagising kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan sa labas..masarap matulog..malamig kasi hehe...

pagkabangon ko nghilamos, kumain at binuksan ko ang pc. daily routine. the usuals. para na kong robot. paksyet.

ngconvert ako ng pelikula para may mapanuod na bago sa psp ko. movie of choice death race at oo crush ko yung lead girl dun hehe she's steaming hot,,, sarap from harap, she also looks good from likud. :p XD

parang ayaw tumigil ng ulan...7:24 na ngaun at tinatamad akong kumain pero kailangan..

bukas uulan kaya?
ano pa kaya mangyayari sa buhay ng isang tambay?

abangan..



i'd like to thank my shoes.

thank you shoes.

daily rants and you know what

starting today im reviving this blog i might add a few changes to it everynow and then giving the chance hehe and of course intercourse kung sisipagin akong iedit ang aking inaalikabok na blog.

try ko sana mgpost ng shaider theme song dati kaso pnalabas ang zaido at nwalan na ko ng interest magpost pa hehe

lovingly yours,
roachy

p.s. mwah mwah tsup tsup wag na kayong magspam sa comment section