panaginip lang

hindi ko alam kung paano nagsimula basta naalala ko na lang na kumakain tayo.

di ko alam kung bakit parating may pagkain sa panaginip ko lately. siguro dahil di ako kumain ng dinner kagabi pero ewan ko na  lang rin. balik sa eksena. nakatalikod ka sakin, may kinukwento ka ata o binabasang libro o kung ano tapos lumapit ako tapos niyakap kita. hindi ko alam kung epekto yun ng unan na akap akap ko nang pagtulog ko pero para sa akin ramdam na ramdam ko ang bawat kurba ng katawan mo at ang halimuyak ng pabango mo.

binalot ko ang katawan mo ng mga bisig ko, akala ko magagalit ka nung maramdaman kong yung kamay mo e pinatong mo sa kamay ko. inakala kong aalisin mo ang kamay ko, pero nagulat ako sa susunod na ganap. hinigpitan mo ang hawak mo sa kamay ko at para bang sinecure mo ang kamay mo sa kamay ko at parang pinahigpitan pa ang kapit ko sayo.

napahalik ako sa balikat mo at sinabing "dyan ka lang. gusto ko andyan ka lang parati..



...para sa akin." 


sa pagpikit ko e ang huling nakita ko e ang ngiti mula sa labi mo at parang may sasabihin ka sana kaso bigla akong nagising.

siguro ang sinabi mo sakin e para sa susunod na panaginip ko pa malalaman.

sa ngayon kailangan ko munang gumising...

"gising na.. 



gising na."

para sa akin

hindi nga siguro lahat e para sa iyo. kung sa akin man e magpapasalamat ako ng lubusan, kung hindi naman e siguro oras na para idaan na lang sa ngiti ang lahat. nakakapagod ng makipagpunong braso sa mga tinginingining na feelings na yan. nakakapanlumo lang rin kasi na hindi mo maiwasang magexpect ng kung ano out of something gaya ng may pinapakita syang mga bagay na ikinatutuwa mo o sadyang nagiging attached ka lang rin siguro. kakupalan lang sa mga hindot na di umaamin na kahit papaano hindi sila kinikilig kapag may pasimpleng hi o ngitian lang sya ng crush nya. sa mga bagong tuklas patungkol sa mga taong bago mo pa lang nakakasalamuha e parang nakakagimbal man pero parte rin yun ng proseso e. hindi naman pwedeng ipilit mo sa sarili mo at sa kanila yung mga ideals mo sa kanila. masyado ka namang sakim nun. 

tsaka mas ok na rin siguro na tanggap mo sya sa kung ano/sino ang kabuuan nya. hindi yung parang ilang parte lang nya yung gusto mo. kasi lahat e nagdadaan sa pagbabago. kaya ipoproseso mo pa yun. minsan kasi kailangan mo ring gumamit ng utak. hindi puro puso lang.

nakakalungkot lang kasi masyado na atang moderno ng panahon na hindi na ako makasabay sa kung ano mang nangyayari. kung ano man yung cool o acceptable sa iba e parang di pa ring katanggap tanggap para sa akin. siguro nagiging grumpy na ako o sadya lang judgmental o baka nasasama lang sila sa pagiging stereotypical ko. ewan ko. minsan kasi di ko rin maintindihan talaga. kailangan mo lang sigurong tanggapin na hindi lahat at para sayo. kaya kung kanino mo man ibabahagi yang feelings mo, good luck .:)

kasi sa ngayon marami ang naghihirap.

isama mo na rin ang pakiramdam o front mong feelings na mapagpanggap, mapagkunware at matapang. 

para kay dream girl

napanaginipan na naman kita kagabi.

nagsimula ang kwento ng inaya kita manuod ng movie. nakalimutan ko na kung anong movie yung inaya ko sayo pero pumayag ka naman. may dala akong pizza at yung movie na inakala kong sa sinehan e sa bahay lang pala natin papanuorin. kasi maraming tao sa sinehan premiere ata kaya iba na lang ang papanuorin natin at nauwi tayo sa bahay ninyo. naalala ko na habang naglalakad tayo e nakahawak ka sa braso ko. tapos kumakanta ka ng 'kahit kailan' ng southborder. di ko alam kung bakit yun ang kinakanta mo pero napapangiti ako habang kumakanta ka. at para makaduet kita e ako yung instrumental part dun sa sax haha.
so nagskip na yung scene at nasa couch tayo at kumakain ako ng pizza. bigla akong nagkaurge para umihi so nagpaalam para magpunta ng banyo tapos nakita ko yung ate mo kasama yung baby nya. tinanong ko kung san ang banyo, tinuro nya dun sa bandang kaliwa may pinto dun at yung switch ng ilaw e bago pumasok ng pinto sa bandang kanan. so pagkatapos ko gawin ang aking business e lumabas ako at pabalik na papunta sayo e tinawag ako ng ate mo. nagusap kami habang nilalaro ko yung baby nya. tapos di ko alam kung tinatakot nya ako o ewan ko lang pero tinanong nya kung seryoso ako sayo, ang sabi ko lang e "i like her a lot" at syempre bilang ate nya e ang sabi nya e "saktan mo lang yang kapatid ko yari ka sakin" pero nakangiti naman sya at alam naman ata nyang di ko kaya yun. anyway natuwa ata ako masyado sa kakalaro ng baby nya at napansin na rin ata nyang matagal akong nawala kaya hinanap na nya ako. nung nagkita kami e natawa lang sya kasi puro laway na ako nung baby pero di ko na pinapansin. iba rin kasi ang epekto ng pagkarga sa mga bata.
parang naubos yung oras namin kakalaro sa baby at hindi na namin natapos yung pinapanuod namin. i had a lot of fun. seriously, gumising akong nakangiti kahit wala akong idea kung ano ba talaga ang pinanuod namin dun sa panaginip ko.
sana nga lang totoong alaala na lang yun instead sa panaginip.

smokey mountain - pier - divisoria

nabitin ang tulog ko. kasi niyuyugyog na ako ng nanay ko at aalis daw ako kasama ang tatay ko. oo nga pala, kailangan ko nga sapatos para bukas.
alam ko namang aalis kami pero di ko naman inexpect na maaga pala. mga alas tres ng madaling araw ako nakatulog kasi may binabasa ako (hindi related sa studies whatsoever) so mabalik lang. nagising ako  ginising ako ng around 6 am ng nanay ko. tapos gumayak na para sa paglisan. pero ang sabi nung una e dadaan muna kami sa pier. di na lang ako nagtanong kung bakit. basta nagpunta kami sa pier.
habang nasa byahe papuntang pier parang tour guide si tatay. "o dyan banda ninong jimmy ni (insert kapatid's name)" "ay mali dun pala banda lagpas na" , mayron ring "dun sa tabi ng dating petron na ngayon e ibang gasolinahan na yung restaurant na nagseserve ng pansit na paborito ng mommy mo." "dyan dati nakatira sila mommy mo, binenta yung bahay nila dun para mabili yung bahay sa ***** verde." "dito ako dati pumipila nung nagta-tricycle pa ako.."
maraming ala-ala. estranghero man sa akin pero nakikinig pa rin ako. kahit di ko masyadong maintindihan kasi maingay yung takbo ng jeep at marami ring maingay na katabi. (tinatanggal ko naman ang headphones ko kapag kinakausap ako ng tatay ko pramis). tapos nung may nakikita na akong mga parang daungan. humirit si tatay na malapit na daw kami sa pier. nalampasan na namin yung bagsakan ng mga isda na nagsusupply ng mga isda sa buong maynila sabi nya. tapos kaunting sulong ng jeep naamoy ko na yung halimuyak ng smokey mountain. napaka cliche siguro kung biglang tutugtog sa radio yung "paraiso" ng smokey mountain sa radio, kaso nga lang sa isip ko lang sya nagplay.
nung andun na kami sa pier, mahigit dalawang oras kaming naghihintay. wala pa pala yung kausap nya. nung dumating e hindi pa daw naibababa yung kargada mula sa barko kasi may inaantay pang signatory de juan na hindi pa rin nagpapakita simula kahapon. so ang siste, nagpunta na muna kami sa divisoria para bilhin yung kailangan kong sapatos.
isa sa mga natawa akong paguusap namin ng tatay ko ay nung may naikwento syang nangyari sa kanila nung nanay ko nung minsang naglalakad sila sa divisoria. bigla daw kasing may bumatok sa nanay ko. tapos nun just like magic nawala rin yung kwintas na suot nya! habang humahagulgol daw yung nanay ko e pinuntahan daw nila yung pamangkin ng tatay ko na pulis na dun nakadestino. pagtapos daw magsumbong may pinuntahang tomboy yung pulis. binatukan rin. "pati ang tiya ko tinalo" sabi daw ng pulis, tapos ayun naibalik yung kwintas ng nanay ko.
inabutan na kami ng ala una dun sa divisoria kaya kumain muna kami saglit tapos naglibot libot.  nung pabalik na kami ulit sa pier ay inabutan kami ng ulan. ang saya lang. basang basa kami ng tatay ko kahit may payong kaming dala. hindi rin kinaya. buti na lang at waterproof ang bag na dala ko kaya dun ko nilagay yung cellphone ko at hindi nasira. yey.
at nakauwi kami ng mga bandang alas otso. kasi trapik.

art blog

ohaithurr...


di man to bago sa mga nakakakilala sa akin, pero paminsan minsan hobby ko rin ang gumawa ng portrait sketch of sorts para mga kakilala ko at maging sa ilang taong hindi ko naman ganun kakilala..

so for now meron naman akong tumblr para dun pero at the same time gumawa rin ako ng art blog of sorts na inkversuspaper.blogspot.com

pakibisita, magiwan ng comment, at pakikalat parang butter sa tinapay. :)